In fairness, tigib sa block screenings ang Hello, Love, Again ha! Pero sa rami ng sinehang pinagpapalabasan, bakit maraming nagsasabing hindi naman puno ang ilan sa mga ito? Mas ok ba sana kung limited theaters pero punuan at may pila, imbes na magbukas ng marami pero half-filled lang naman pala.
But you can’t argue with success – P84.5M (ni-round off na lang for press release) ang Opening Day Gross – the biggest for a Filipino lalo pa’t hindi ito nag-open ng holiday!
Sana magtuluy-tuloy pa ang dagsa ng mga tao sa sinehan.
Mabuti ito para sa movie industry! Tingnan natin kung uubra kaya ang power ng word of mouth? At kung may return audience ba itong Hello, Love, Again?
Exciting times!
Mr. Grand Philippines, kamukha ni Alden
Incidentally, kamukha ng batang Alden Richards at Ronnie Liang ang nanalong Mr. Grand Philippines 2024 na si Jonathan Perez. Saan kaya lulugar ito sa mundo ng showbiz?
Abangan! At tingnan natin kung ano ang lalakbayin niya sa Mr. Grand International na pinamumunuan na ni MJ Lastimosa!
Ngapala, may baklang nakapanood ng live presentation na nagsabing baka naman sa susunod, pumili si Hannah Precillas ng mas angkop na kanta para sa isang male pageant para hindi naman ang unang linya ay… “Kamukha mo si Paraluman, noong tayo ay bata pa…”
NKKLK ‘di ba? Ilan ba ang mukhang paraluman sa contestants ng Mr. Grand International. Naamoy kaya ni Hannah? Hahaha!!!
Concertgoers, aligaga kina Regine at Odette
Kumahog ang concertgoers sa pag-reserve ng tickets para sa February series ni Regine Velasquez sa Samsung Theater entitled Reset, at sa January series naman ni Odette Quesada sa BGC Arts Center entitled Odette Hits 60! Ubusan ang tickets ng mga ito, na hindi man katulad ng BINI this weekend ay at least may sariling hukbo ng fans at followers na willing gumastos para sa concert ng idol nila.
Sabi tuloy ng music peeps, sana ganyan din ang fans ni Julie Anne San Jose, ‘di ba? ‘Yun na!
Pelikula ni John Lloyd at sabungeros, vindicated
Vindicated ang two entries ng QCinema na parehong na-reject ng Cinemalaya at ‘yung isa ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Wagi si John Lloyd Cruz as Best Actor sa Asian Next Wave for the movie Moneyslapper na isinubmit nila at na-reject sa MMFF at sa Cinemalaya for exhibition.
Tapos itong Lost Sabungeros naman has found its audience sa QCinema at naililipat pa ito sa bigger theater na napupuno nila.
Magkakaroon pa kaya ang mga ito ng wide release? Balitang naghihigpit ang MTRCB sa Lost Sabungeros daw na maaaring ipitin hindi lang sa theatrical release kundi pati sa television airing? Bakit ganoon? Bawal daw ang pag-air ng topics na may kaso? Eh bakit ‘yung ibang documentary at news na may kaso, nai-air din naman? Hindi kaya kailangang magpaliwanag ang MTRCB sa ruling nilang ganito?
Nakakataquote:
“I reached out to Yen (Durano) and said maybe we can hang out, eat out and gym together, like that with the project like Celestina, Burlesk Dancer.
“Yes, it’s like, ito talaga ang pinaka-challenging na role rin sa akin kasi, it’s like what Yen said, it’s for cinema release, like that!”
– Christine Bermas with her slang sa kanyang promo interview for her new movie