Magdadalawang dekada nang walang kasintahan si Alden Richards. Ayon sa Kapuso actor ay talagang ang pagtatrabaho sa murang edad ang kanyang pinagtuunan ng panahon kaya naisangtabi muna ang buhay pag-ibig.
“‘Yung love kasi, Tito Boy, right now, ang understanding ko sa kanya is a feeling, it’s an emotion. And ‘yung mga bagay po when it comes to decision making, ang laking factor po ng emotions do’n. So when you’re emotional and making decisions, sometimes the effect of that in your life is rather good or bad. So right now I don’t want to think of love as a mental thing to feel or a mental thing to go with. For me ‘yung love is something that makes you feel good. I don’t want to be too mental about it,” makahulugang pahayag sa amin ni Alden sa Fast Talk with Boy Abunda.
Napababalitang higit pa sa pagiging magkaibigan ang turingan ngayon nina Alden at Kathryn Bernardo sa isa’t isa. Nililigawan na nga ba ng aktor ang dalaga? “‘Yung meron po kami ni Kath ngayon is I should say really deep. And since I got the chance to really know her now personally, ang dami ko pong nadi-discover sa kanya. Our similarities and differences, and how we view life. Sobrang naa-appreciate ko po ‘yung mga bagay na nao-open up niya sa akin. And welcoming her, welcoming me to her life, of course the family. Na-meet ko na rin po ‘yung family. Nakakapunta po ako sa bahay nina Kath kapag kaya po ng oras.
“Nakita ko po kung gaano ka-humble ‘yung family ni Kath. Pareho po kaming lumaki sa probinsya. Ako po sa Laguna, siya po sa Nueva Ecija, Cabanatuan. I see how similar our families are in terms of how we see life. In terms of how we deal with everyday. And ‘yung pagiging makatao po, kung ano si Kath, ang laking factor ng family. ‘Yon po ‘yung naa-appreciate ko. And welcoming me to her home, ‘yung pagtrato nila sa akin. Hindi ko po naramdaman na ibang tao ako. Sa ngayon ayoko pong madaliin kung ano ang pinagdadaanan naming dalawa. I think she has all the time in the world now. She’s been able to try new things as well for herself,” pagbabahagi ng Kapuso actor.
Masayang-masaya si Alden sa kung anong mayroon sa kanila ni Kathryn ngayon. Aminado ang aktor na palaging nasa kanyang puso at isipan ang dalaga. “Nasa pareho po, just enjoying, and exploring every moment of it. So far nai-enjoy ko naman po siya, Tito Boy. Ang dami ko naman pong nadi-discover sa sarili ko. How I am? Pagdating po kasi sa ganyan, sa romance, of course you have to take care of your partner. Nakikita ko naman po sa sarili ko na, of course siya muna bago ‘yung sarili ko, ‘yung mga bagay na hindi ko po nagagawa before. Kasi dati puro ako lang po eh ang inaalagaan ko. Siyempre para maalagaan ko ‘yung mga tao sa paligid ko. But now with that exploration po, nakikita ko yung… ‘Ah, ganito pala ako, ano?’” paglalahad niya.
Mas napalapit sa isa’t isa sina Alden at Kathryn nang mag-shooting ng Hello, Love, Again sa Canada ilang buwan na ang nakalilipas. Napapanood na ngayon sa mga sinehan ang naturang proyekto mula sa Star Cinema at GMA Pictures. Nararamdaman daw ni Alden na alam ni Kathryn ang kanyang tunay na hangarin sa dalaga.
“I think so po. Right now po kasi we are just very blessed with this opportunity that we have right now. And the friendship that we have right now is deep and special. Ang laking bagay po no’n kasi mas nagagawa namin nang tama ‘yung mga bagay na dapat naming gawin in terms of the film. The time that we have when we were shooting in Canada, mas nakilala ko siya,” pagtatapat ng binata. (Reports from JCC)