Andrea, sumablay sa batang Marimar
Ang bongga naman ng aktres na si Andrea Brillantes na kumasa sa Marimar transformation challenge.
Ipinost niya ang video ng kanyang 2024 Make-up Challenge Rewind kung saan nag-transform siya bilang Marimar na umindak-indak din sa beach.
Parang Marimar at Thalia (Mexican actress na original Marimar) ng Gen-Z version sa Pilipinas siya ha.
Pero merong nilantad ang nanay ni Andrea na si Belle tungkol sa anak. Nagkomento ito at sinabing ang first audition pala ng High Street actress ay para sa teleserye na Marimar.
Tumawag daw ang isang casting agent sa kanya isang gabi bago ang audition kaya medyo madalian daw ang arrangement. Naghahanap daw ito ng batang papasang kamukha ni Marian Rivera dahil kailangan nila ng batang gaganap na anak ni Marimar na si Cruzita.
Nag-memorize pa raw si Andrea noon na apat na taong gulang lamang ng 4-5 sentence paragraph pero nang iharap na raw kay Direk Joyce Bernal ay hindi raw ito nakagalaw at kinabahan daw ang bagets.
Naniniwala naman daw ang nanay ni Andrea na “Everything happens for a reason” at hindi pa ito para kay Andrea noon.
Kaya hirit ng fans niya ay bagay na bagay raw ito sa role ni Marimar kung sakaling i-remake ito.
Pero syempre hindi nawawala ang bashers niya na sinabing hindi raw bumagay sa kanya dahil nagmukha raw itong punggok. Depensa naman ng fans niya ay hindi rin naman katangkaran ang misis ni Dingdong Dantes at bawing-bawi lang sa mukha at ganon din si Andrea.
Kaloka. Bakit kasi may say na ngayon ang mga netizen noh.
Tigilan nila ako. Basta bagay kay Andrea ang Marimar. Tapos ang usapan para sa akin.
- Latest