Dating sexy star, may pasabog na sex video sa nakaaway na kaibigang sexy star!

Nakakatawa ang kuwento ng tatlong magkakaibang da­ting sexy stars na sobrang close noon, pero ngayon ay tumiwalag na sa kanilang samahan ang isang dating sexy star. Nag-away-away sila at kung anu-ano ang mga sinasabi laban sa nakaaway na kaibigan.

‘Yung dalawa na lang ang naging close, pero ang isang da­ting sexy star ay may pinanghahawakan palang matinding pasabog laban sa dating kaibigang sexy star.

Ipinakita ba naman nila sa isang kaibigang showbiz reporter ang video na pasabog nila laban sa dating kaibigan, naloka si bading na showbiz reporter.

Ang halay raw at masuka-suka ang dyokla!

Obviously, sex video itong pinanghahawakan nilang pasabog laban sa dating kaibigan. Kapag patuloy raw sa pagtatalak ang dating kaibigang sexy star, ilalabas na nila itong sinasabi nilang pasabog.

Pero ewan ko kung itutuloy nila, dahil marunong naman sa batas si dating sexy star. Baka umabot sa demandahan kapag lumala pa ang kanilang away.

Ibang mga producer, sumaya sa kita ng HLA

Ang buong akala ng karamihan ay padded ang inilabas na press release ng ABS-CBN na naka-P85M ang first day na kinita ng Hello, Love, Again na nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules, Nov. 13.

Ayon sa ilang sources na napagtanungan namin, sa mga block screening pa lang at pre-selling ng tickets sa mall tours nila ay kumita na sila ng P15M.

Hindi lang sa first day kinarir ng KathDen fans ang block screening kundi sa mga sumunod pa na araw.

Idagdag pa ang kinita sa mga sinehan, umabot daw ito ng P84M. Kaya okay lang na ni-round off na nila sa P85M ang first day earnings nito.

Hindi pa namin nakuha kung nakamagkano sa second day kahapon, pero inaasahan nang bababa ang bilang ng mga manonood. Pero masigasig ang KathDen fans, pati Aldenatics at sangkatutak na fan club nila. Kaya marami pa raw silang naka-schedule na block screening na sinisikap naman ng dalawang bida na puntahan.

Hindi lang ang taga-HLA, ang Star Cinema at GMA Pictures ang masaya sa box-office success ng naturang pelikula, kundi pati ang ibang film producers.

Gusto naman lahat na mabuhay talaga ang sigla ng ating movie industry.

Kagaya nitong sa Hello, Love, Again, naipapalabas doon ang trailer ng mga susunod na pelikulang magso-showing.

Sa Nov. 27 ang playdate ng Idol: The April Boy Regino Story at Huwag Mo ‘Kong Iwan, nag-request ang producers na sana ipalabas ang trailer nila sa mga sinehan ng HLA. Kaya ang daming nakakapanood ng trailer nila.

Malalakas din ang Hollywood movies na nakatakdang i-showing kaya matindi pa rin ang haharapin ng mga pelikula natin. Pero kapag ganitong may mga pelikulang malakas, nabubuhayan ng loob ang ating producers.

Giyera, itutuloy

So tama nga na next year pa natin mapapanood ang mga pina-plug na bagong shows sa GMA 7.

Kaya ang magandang balita rito, mae-extend pa ang primetime ng GMA 7 na Pulang Araw.

Ako, bilang avid follower ng naturang drama series ni Alden Richards, dapat namang ma-extend pa para mabuo talaga ang kuwento ng mga isinalaysay nila sa panahon ng World War II.

Maganda raw na maipalabas pa ang mga mahahalagang eksena na may kinalaman sa takbo ng kuwento ng giyera.

In-announce ng GMA 7 sa social media ng head writer ng Pulang Araw na si Suzette Doctolero na extended ito nang two weeks.

“Two weeks extended and Pulang Araw, 110 eps. Salamat sa mga nanonood nito.”

Pinatay na ang karakter ni Angelu de Leon dito na isa sa magaling na kontrabida sa kuwento. Marami ang nagsasabing dapat makabawi naman si Angelu dito dahil ang dami talagang nairita sa magaling niyang pagganap dito.

Tumatakbo pa naman siyang konsehal sa Pasig, kaya baka makaapekto pa ito sa kandidatura niya.

Mabuti na lang at maganda naman ang ending ng karakter niya rito at parang ginawa pa siyang bayani.

Show comments