^

PSN Showbiz

Dimples, laging takot ‘pag birthday

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dimples, laging takot ‘pag birthday
Dimples Romana
STAR/File

Kahapon ay ipinagdiwang ni Dimples Romana ang kanyang ika-40 kaarawan. Likas na sa aktres ang pagtulong sa kapwa kaya sa mga nakalipas na taon ay talagang nagbabahagi sa mga nangangailangan.

Ginagawa umano ito ni Dimples tuwing sasapit ang kaarawan bilang pasasalamat para sa lahat ng biyayang kanyang natatanggap. “When you want to say thank you to the Lord for all the blessings, wala naman akong maibibigay sa Kanya na. So, the main focus is to make sure that 40 years old onwards would be all about giving back the blessings that we have been showered with. If there’s anything I’m very good at, apart of what I do as a professional, that is giving love to people who I feel will be inspired,” nakangiting pahayag ni Dimples.

Hinding-hindi raw makalilimutan ng aktres ang amang pumanaw sa edad na apatnapung gulang lamang. Nakararamdam ng takot si Dimples sa maaaring mangyari sa mga susunod na taon dahil sa amang namatay noon. “Noong nalaman ko na mag-40 na ako, I always look back to that moment that my Papa passed away right before his 41st birthday. I fear this moment. Isa ito sa mga kinatatakutan kong panahon. Kasi I was 16 when my papa passed away and he hardly experienced 40s. A lot of things can challenge us and ang pinakamahirap sa lahat ay challenge ng inner battle. So many things, doubts and challenges in our minds, in our hearts,” makahulugang kwento niya.

Nagbago na umano ang motto sa buhay ni Dimples dahil sa kanyang edad. “I realize na God is good, life is short. I am feeling very grateful na I’m alive, wala akong sakit. Walang sakit ang pamilya ko and that alone is the biggest blessing I ever asked for in this lifetime. At this point, ang motto ko na ay everything now is just a bonus of the life that I’ve been living. 40 feels alright, very, very good,” pagtatapos ng aktres.

JC, may pasabog

Pinaghandaang mabuti ni JC de Vera ang kanyang bagong karakter para sa seryeng Nobody na pinagbibidahan ni Gerald Anderson. Mayroong mga pelikulang inaral ang aktor bago gawin ang naturang proyekto. “Meron akong couple of movies paulit-ulit kong pinapanood. May nuances ako need aralin saka movement. I can’t say yet but it will be surprising, ibang-iba ‘to,” pagbabahagi ni JC.

Kapag walang trabaho ay talagang tutok ang aktor sa kanyang pamilya. Dalawang babae ang anak ni JC at non-showbiz wife na si Rikkah Cruz. Mula nang magkaroon ng sariling pamilya ay malaki na ang ipinagbago sa pananaw ng aktor sa buhay. “I matured because of them and nadadala ko ngayon sa trabaho. ‘Yung mga roles tinatanggap ko, something malalim, something na may challenge. Kasi I think kaya na ng isip ko. Not like before feeling ko kailangan ko magkaroon ng love team. Ngayon doon na tayo sa pagiging character actor,” paliwanag niya. (Reports from JCC)

DIMPLES ROMANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with