^

PSN Showbiz

Ian bibida sa series ng drug war; disqualification sinagot ni Direk Lino

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ian bibida sa series ng drug war; disqualification sinagot ni Direk Lino
Direk Lino at Ian Veneracion

More than 20 years ago na pala nang tanggalin ang two-third ng kanang liver ni Direk Lino Cayetano to transplant to his father,  the late senator Rene Cayetano.

Siya ay sumailalim sa 12 oras na operasyon nang kunin ng mga doktor ang two-third ng kanyang atay. At wala raw siyang takot noon kahit siya ang unang gumawa nu’n sa bansa.

Sadly, pagkalipas ng ilang buwan namatay sa edad na 68 ang ama dahil sa complications mula sa abdominal cancer.

Ngayon ay halos wala nang bakas ng operasyon ng pulitiko / direktor.

Pero naalala niyang : “‘Yung, gumawa sa akin, siya ‘yung pioneer, si Dr. Shelby, so bagung-bago pa so parang sabi nga nila we don’t have the data to show like ngayon 20 years wala pa silang data nu’n to show na siya o 20 years okay siya kasi bago pa ‘yung procedure na ‘yun.

“Galing nga nung sabi nung doctor na the more we learn about the human body the more we learned that God made us to help each other kasi ‘yung katabi ko wala rin akong idea... alam n’yo ba pwede palang mag-lung transplant and siguro ‘yung bibigyan niya siguro sa smoking na ganun pwede pala ‘tas yon and then ang nangyari ‘yun,” pagbabalik-alaala niya.

“Ang mabigat lang samin nga kasi ‘yung dad ko he died a few months after pero naging successful ‘yung liver transplant. In fact, gumanda na ‘yung kulay niya nagmo-mall na kami tapos may na-develop na stomach cancer ‘yon siguro kumalat ang hindi namin nakita o hindi nakita ng mga doktor.”

Ngayon aniya ay nami-miss niya ang kanyang ama lalo na at may issue sa kanyang pagkandidato sa Pateros-Taguig.  “Saka ‘yung dad ko parang ayokong sabihin naman na I’m most like him pero I think pareho kami in the sense na parang dad ko kasi hindi pulitiko parang sa ABS nga nung sa Companero Y Compañera tinuturuan siyang mag-smile kasi siya hindi siya mabulaklak,” sabi pa ni Direk Lino.

Meron ngang nakaambang disqualification case laban produ­cer / director ng Rein Entertainment ngayon pero idiniin niyang wala pa ring makapipigil sa pagtakbo niya.

Masasabi ngang may bigat ang laban ni Direk Lino ngayon dahil ang kalaban niya sa pagka-kongresista ay inendorso ng mismong kuya niya na si Sen. Alan Peter at ng misis nitong si Mayor Lani Cayetano.

Ikinalulungkot man niya ito, hindi naman niya naiintindihan kung ba’t kailangang gawin ‘yun ng kanyang kapatid. “Hindi ko maintindihan kung bakit pinagbabawalan ako ng ilang mga tao na tumakbo sa unang distrito. Kaya ho ako napunta sa Fort Bonifacio, Alan (Cayetano) and (Mayor) Lani (Cayetano) asked me to run for barangay captain to help Lani. Kasi nung nanalo si Lani, wala siyang kakampi.  It was the height of my career. Kasi, I was doing Noah with Piolo (Pascual) and, at the time, Zaijian (Jaranilla), who had just finished May Bukas Pa.

“Nagpaalam ako sa ABS-CBN because my family asked me to move to District 2 para tumakbo ng barangay captain and eventually congressman,” sabi pa ng younger brother of Senators Alan Peter Cayetano and Pia Cayetano.

Pero pina-off the record niya ang nararamdaman niyang dahiln kung ba’t ginaganun siya.

Anyway, malamang na maging kontrobersyal naman ang isa sa 2025 offerings ng Rein Entertainment, ang six-part crime-drama series na pinamagatang Drug War (A Conspiracy of Silence) ni Direk Shugo Praico.

Pagbibidahan nina Ian Veneracion, Romnick Sarmenta, Lotlot de Leon at Jane Oineza with the special participation of John Arcilla, ang Drug War ay sequel ng multi-awarded The Bagman ni Rep. Arjo Atayde.

Paglilinaw niya, wala itong kinalaman sa EJK hearings na isinasagawa ng Kamara at Senado.

Aniya, “Mas tungkol siya sa mga kwento ng mga naging biktima at naipit du’n sa drug war… exploration siya ng mga nangyari nu’ng panahon na ‘yon. Bakit nagkaroon ng panahon na may nanahimik at nagbingi-bingihan, pa’no tayo nakarating du’n sa panahon na ‘yon (noong 2016)?”

ACTOR

IAN VENERACION

TRENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with