^

PSN Showbiz

Aiai, inaming pinagtaksilan ng mister

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Aiai, inaming pinagtaksilan ng mister
Boy Abunda at AiAi delas Alas

Kumpirmadong nagkahiwalay na sina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan. Ilang linggo nang bulung-bulungan na mayroong pinagdaraanan ang relasyon ng mag-asawa. “Oo, ama, hiwalay na kami. No’ng last month pa, Oct. 14. Nag-chat siya, madaling araw dito sa Pilipinas. Sinabi niya na gusto niya magkaanak and hindi na siya happy. So confused ako and shocked and bakit ngayon? Bakit ngayong oras na ‘to? Sana intayin mo muna akong makauwi sa Amerika. Maraming bakit, in fairness wala naman talaga kaming pinag-aawayan. Sa tagal ng pagsasama namin, bilang sa daliri ‘yung discussion, hindi nga away eh. So nagulat ako, why ngayon? Anong meron sa October? Anong meron ngayong araw na ito? And bakit madaling araw dito? Siyempre ang hirap magbasa, bukod sa shocked ka, tulog ka pa, so ‘yon,” pagdedetalye ni AiAi sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Hindi masyadong naunawaan ng aktres ang naging usapan nila ni Gerald noong madaling araw na nakipaghiwalay ang mister. “Sumasagot ako tapos no’ng nag-sink in na sa akin umaga na. Natural reaction ng asawa, siyempre nagalit muna ako. Ano ba itong nangyayari? Ito na ba ‘yon? Actually, ama, no’ng nagpakasal naman talaga ako kay Gerald, nire-ready ko naman ‘yung sarili ko sa ganitong magiging sitwasyon. Kasi alam ko na bata pa si Gerald, baka magbago pa ‘yung isip. Pero sana huwag, sana totoong may forever. Sana binigyan talaga ako ni Lord ng pagkakataon ng magandang pag-aasawa, na matagal. So nagulat ako na, ngayon na pala ‘yon. Akala ko kapag mga 35 (years old) na siya,” emosyonal na pagbahahagi ng aktres.

Mag-iisang buwan nang walang komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa. “Wala na, ama, parang wala nang pag-uusapan pa. Parang nasabi na niya na ito na ‘yung definite decision ko, na ayaw ko na,” dagdag ng komedyana.

Matatandaang nagdiwang pa ng kanilang ika-sampung anibersayo sina AiAi at Gerald sa Amerika noong Abril. Magkasintahan pa lamang ang dalawa ay alam na umano ni Gerald na hindi na posibleng magkaroon pa ng anak ang aktres. “’Yon nga ang tampo ko kasi alam naman niya na bago niya ako pakasalan na hindi naman na ako magkakaanak. But, ama, I really tried my best. Kasi meron ka­ming In Vitro kahit mahina ‘yung eggs ko, tina-try ko na mag-IVF. Meron kaming tatlong embryo, may name ‘yon, si Gaile, si Grain, meron pa kaming isa, si Gold. Sabi ko sa kanya, kapag nagkapera kami, isu-surprise ko sana siya, na ilalagay ko ‘yung baby para meron kaming anak. Para magkaroon kami ng baby. Siguro ‘yon ang nag-trigger sa kanya na ayaw niya ng surprise. Pero sinabi niya na nasaktan siya no’ng nawala ‘yung dalawa naming baby si Gaile saka si Grain,” lumuluhang paglalahad ni AiAi.

Aminado ang Kapuso actress na nararamdaman niyang nagkaroon ng third party sa kanilang sa kanilang relasyon ni Gerald. “Bilang asawa, ako ramdam ko meron. Pero it doesn’t matter naman kung meron o wala. Kasi no’ng sinabi niya na firm na siya sa decision, wala naman na akong ilababan, ‘di ba? Kapag lumaban ako, or nag-stay pa ako, parang alam ko naman ‘yung magiging ending eh.  ‘Yung dignity ko, ‘yung self-worth ko, mawawala na ‘yon eh. Magtira naman ako kasi alam ko na mangayayari ulit ‘yon. Kasi noong 2019, nag-cheat na rin siya noon. May trust issues na ako. So siguro isa ‘yon sa minsan hindi ko alam na pagtalak ko sa kanya,” kwento ng aktres.

Naniniwala si AiAi na malaking bahagi ng hiwalayan ng mister ang pagkakaroon ng malaking agwat sa kanilang edad. Nagdiwang ng kanyang ika-animnapung kaarawan si AiAi noong Lunes. Halos tatlumpung taon ang tanda ng aktres kay Gerald.

Mayroong mensahe si AiAi para kay Gerald na kasalukuyang nasa Amerika. “I hope ‘yung hindi ko pa naibigay sa iyo na kaligayan, sana makuha mo. And ‘yung hinihiling mong anak, sana magkaroon ka ng healthy child. I wish you well kasi sa sampung taong pinagsamahan natin, in fairness naman to you, naging good husband ka naman and si­guro ganoon talaga ang buhay. Basta, sana maging masaya ka na lang and I wish all the happiness na hinahanap mo,” pahayag ng Kapuso actress. — Reports from JCC

ACTRESS

AIAI DELAS ALAS

TRENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with