^

PSN Showbiz

Orient Pearl napagod noon, ney ng 6cyclemind ang bagong bokalista!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Orient Pearl napagod noon, ney ng 6cyclemind ang bagong bokalista!
Orient Pearl

Ang Orient Pearl, ang pop rock act na sumikat noong 90s na may mga hit gaya ng Pagsubok, Babaeng Sorbetes, Cry In The Rain,  at Kasalanan, at iba pa, ay muling nagbabalik.

Ayon kay Leo Awatin, band guitarist, “We are making a comeback mainly for the fans. We owe it to them. They have been asking us to release new songs for the longest time so, here we are and we’re back for good.”

At may misyon sila sa kanilang pagbangon :  Upang iangat, i-motivate ang mga tagapakinig. “Since Pagsubok,’ a lot of fans have told us that our music helped them survive tough times. So, with this comeback, that is our goal, to continue and further cement that legacy.

“People first heard us in the 90s, now most of them are fathers, mothers. Now, we want to reach out to their children, to the new generation and inspire them as well,” dagdag nito.

Nagpapasalamat din sila na hindi sila nalilimutan ng mahilig sa musika. “Nagpapasalamat kami dahil hanggang ngayon pinapakinggan nila, new generation, alam ‘yung kanta kahit saan ka magpunta, kahit saang bar, kahit saan ‘yung mga batang makausap mo, kilala nila ‘yung kanta. Eh, paano ba namin kayo pasasalamatan?

“Magpapakita uli kami, buhay pa kami, nandito kami, gagawa kami ng bagong kanta para sa inyo. Gusto namin kayong ma-motivate. Kung mahilig kayo sa music, musician kayo, ‘di ba? Gawin ninyo ‘yung gusto n’yo, gawin ninyo ‘yung pangarap ninyo sa buhay. ‘Yun ang gusto namin. Ibig sabihin, there’s no stopping us. So, ‘yun ‘yung mga message na gusto namin ipalabas.

“Ito ‘yung time na makakapagpasalamat kami kasi bigla kaming nawala noon eh. Di ba? Wala kang Orient Pearl, sikat pa noon eh. Di ba? So, siguro at  that time, at that year, napagod kami. Pero na-realize namin na kailangan nating ibalik sa masa,” pag-amin pa ng gitarista ng banda na almost 20 years ding nagpahinga.

Kasama niya sa banda sina Budz Beraquit (keyboardist), Ryan Gomez (bassist), Third Caez (drummer), at Ney Dimaculungan (bagong lead vocalist).

Yup, you read it right. Si Ney na dating bokalista ng 6cyclemind ng ilang taon.

“For the flavor, gusto naming ma-sustain and maintain the image. So actually, if you will analyze, napaka-perfect sa amin si Ney. Kasi ‘yung kanta nila is more on personal life. ‘Yung sa amin is more on motivation. But if kinombine mo ‘yun, magja-jibe siya eh. So ‘yun ‘yung message na gusto na­ming paratingin sa bawat tao. Kasi may pangarap kami. Ang pangarap namin is hindi lang basta sumikat, hindi lang basta makilala. Gusto naming magbigay ng message. Actually, kahit hindi na nga kami kumita, importante lang ma-touch namin ‘yung bawat Pilipino. Makapagbigay kami ng legacy. ‘Yun ‘yung goal naming,” mahabang sagot pa ni Leo.

Ayon naman kay Budz sa pagpasok ni Ney sa kanilang grupo, “He’s a perfect fit. We gelled instantly. With Ney, we found new hope. We are reinvigorated.”

Excited naman si Ney sa kanyang pagsali sa Orient Pearl. “Orient Pearl has been a part of my musical journey,” he said. “Bata pa ako, nandiyan na sila. I am honored to be part of a band that I love and adore.”

Kumusta naman ang mga taong nagkukumpara sa kanya sa original singer ng Orient Pearl na si Naldy Padilla? “I really don’t know, I mean, for sure there are some who will question my abilities if actually compare me with him. I just hope that they would give me, give us, a chance. We are here to forge a new beginning.”

Lumabas na sa iba’t ibang digital music platform ang kanilang bagong single na Hari.

MUSIC

TRENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with