Direk Lino, ‘di lalayasan ang showbiz!

Direk Lino ­Cayetano

Sa gitna ng isyung kinakaharap ngayon ni Direk Lino ­Cayetano sa kanyang political career, tuloy pa rin at active ang Rein Entertainment.

Maganda ang mga naka-line up na project, kagaya ng katatapos lang na Caretakers na pinagbidahan nina Iza Calzado at Dimples Romana.

Ang buong akala namin ay isinumite nila ito sa finished films ng Metro Manila Film Festival. Hindi pala.

Isang eco-horror ang genre nito at ayaw nilang sumabay sa mara­ming horror films na isinumite.

Ang gusto raw talaga nilang makapasok ay ang Espantaho ni Direk Chito Roño, kaya hindi na nila ito tinapatan.

“Ibigay na natin sa master siyempre, Chito Roño yan! Sa kanya dapat yan,” pakli ni Direk Lino nang nakatsikahan namin sa isang lunch nung nakaraang Sabado.

Nasa post production na raw ngayon ang Caretakers, at medyo matagal-tagal daw iyun.

Bukod pa riyan ay may sinimulan silang magandang pelikulang tiyak na maglilikha ito ng ingay dahil sa isyu ng drug war.

Ang title mismo ay Drug War na pinagbibidahan ni Ian Veneracion.

Samantala, nasa kainitan pa ngayon si Direk Lino ng isyung disqualification sa kanyang kandidatura bilang Congressman ng 1st district ng Taguig-Pateros.  Nilinaw ni Direk Lino na tuloy ang kanyang pagtakbo kahit hinainan ito ng disqualification case.

Nasa appeal pa raw ito, at hindi pa ito nakakaapekto sa kanyang pagtakbo. Obvious na kinokondisyon lang ang mga taga-Taguig na hindi na siya makakatakbo.

Kaya gustong linawin ni Direk Lino na hindi masasayang ang kanilang boto.  “Walang makakapigil sa akin. I will not be disqualified!” bulalas ni Direk Lino. “I want to champion the industry in Congress… anda­ming nangyayari ngayon.

“Si Direk Joey (Reyes) in FDCP, sina Toff de Venecia, ABS-CBN, Viva, Regal, GMA, TV5, everyone is doing something now that will help us get to where we want to be. Sooner than we think.

“And tingin ko, may maiaambag ako dun… and then, lastly nga e yung… gumastos pa yata sila sa press release na na-disqualify ako. Kasi may mga editorial pa.

“So someone really does not want me to become congressman. And for me, I wanted lang this opportunity to be able to tell my friends in the entertainment industry, and lalung-lalo sa mga kababayan ko in Taguig and Pateros na I will fight the disqualification case

“At until umabot siya ng Supreme Court. My father is from Pateros. My father grew up in Pateros.

“My brother Alan was congressman of Taguig and Pateros. I first voted in District 1 in 1998, in Taguig and Pateros, in the first district.

“Hindi ko maintindihan kung bakit pinagbabawalan ako ng ilang mga tao na tumakbo sa unang distrito,” pahayag ni Direk Lino Cayetano.

Isyu na rin ito ng kanilang pamilya at sabi nga nila, ito talaga ang tunay na Family Feud. Bakit hindi ito ayusin sa programa mismo ng magkapatid na Sens. Allan Peter at Pia ­Cayetano kasama si Kuya Boy Abunda na Cayetano in Action with Boy Abunda?

JC wish maka-lalaki

Para kay JC De Vera, may suwerteng dala itong ipinagbubuntis ngayon ng misis niya.

Four months preggy ang kanyang asawang si Rikkah Cruz at bale pangatlong baby na nila ito.

Nakadalawang girl na sila, at siyempre ang pana­langin nila ay sana boy na ito ngayon dahil napag-usapan na nilang last baby na nila ito. Tama na raw sa kanila ang tatlo.

“Sana boy. Pero kung hindi man boy, okay lang din, last pa rin yun. Kasi, we always talk about  yung quality of living and quality of life. So, that’s important for us na kung hindi natin kayang ibigay yung quality of life katulad nung eldest natin, then let’s not make one anymore,” saad ni JC.

Ang ganda lang daw nitong pagbubuntis ng misis niya dahil sunud-sunod ang mga trabaho niya at talagang hindi siya nawalan.

Ni-renew ng ABS-CBN ang kontrata niya at meron na siyang gagawing action-drama, ang Nobody na pinagbidahan ni Gerald Anderson.

May mga pelikula siyang ginagawa, kagaya nitong Huwag Mo Kong Iwan ng BenTria Productions na gusto raw niya ang role niya rito, kasama sina Rhian Ramos at Tom Rodriguez.

Show comments