Donny, nahilig sa paglubog sa yelo

Donny Pangilinan

Simula Nov. 25 ay mapapanood na sa Viu ang How To Spot A Red Flag na pagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Bilang paghahanda sa naturang serye ay kinailangan pa umanong magpaganda ng katawan ang aktor. “I have been working out a lot. Kasi La Union, beach ‘yon eh. So kailangan medyo fit ako do’n. ‘Di naman beach body. Siguro mas fit lang,” pagtatapat ni Donny.

Nahiligan ng aktor ang cold plunge na bahagi ng kanyang fitness routine. Ayon kay Donny ay maraming magandang benipisyo ang naidudulot ng kanyang ginagawang ito. “I’m getting into ‘yung mga cold plunge, ice bath, do’n ako interested. Your anxiety levels go down. Your mental health gets better. Your sleep becomes better, your recovery becomes better. It’s different per person. There are a lot of studies that show waking up and doing cold plunge or after working out when your body is still hot. So it can recover well,” pagbabahagi ng binata sa ABS-CBN News.

Na-enjoy ni Donny ang kanilang taping dahil talagang mahilig magpunta sa mga dagat ang aktor. Kabilang din sa bagong serye si Jameson Blake, Angel Aquino, Christian Vasquez, Benjie Paras, Mylene Dizon, Esnyr at Kira Balinger. “Ako, very much beach boy ako. And the fact that we got to shoot in one of my favorite places, just being in the beach in general, super refreshing. I am very excited. First cycle pa lang natatapos namin and I am looking forward to the rest of the cycle,” pagtatapos ng aktor.

David, ayaw nang maging nice guy

Marami ang nakapapansin sa galing ng pagganap ni David Licauco bilang si Hiroshi sa Pulang Araw. Para sa nakilalang Pambansang Ginoo ay malaki ang naitutulong ng kanyang mga kasamahan sa serye upang paghusayan ang trabaho. “I’m still not the best. I’m still improving. I’m still learning. Learning from Alden (Richards), from Barbie (Forteza) to Sanya (Lopez), and Dennis (Trillo), and everyone. I also give credit to Direk Dom (Zapata). I would say, he gave me the greenlight for me to be like this, ‘di ba? So, for me, to be creative, he gives me a lot of input,” nakangiting pahayag ni David sa GMA News.

Ayon sa Kapuso actor ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang mga paparating nilang eksena sa naturang family drama series. “May mamamatay, so kailangan nilang abangan ‘yon kung sino ang mamamatay. Also, pa-intense nang pa-intense ang mga eksena. Si Hiroshi, malaki ‘yung switch niya from like being medyo nice guy, ngayon parang he is fighting for his life and also fighting for the love of his life,” pagdedetalye ng binata. — Reports from JCC

Show comments