^

PSN Showbiz

Sampung Dominic Roque, ‘di raw kayang tapatan si Javi

Pilipino Star Ngayon
Sampung Dominic Roque, ‘di raw kayang tapatan si Javi
Dominic Roque

Ay sad ang reaction ng netizens for Dominic Roque.

Ang harsh actually, say nila, kahit daw sampung Dominic Roque, hindi matatapatan si Mayor Javi Benitez.

Awss.

May kumalat ngang laplapan sina Sue Ramirez at Dominic Roque sa Siargao. ‘Yan ay kung totoong laplapan nga ‘yun.

Dahil kaya graduate ang dating Kapamilya actor (Javi) ng political science and computer science courses sa Santa Clara University in California? At may private plane ang kanilang pamilya?

Grabe naman ang comparison.

Maraming followers nila ang nanghihinayang dahil limang taon din pala sina Javi and Sue.

Kinumpirma nga ni Javi ang hiwalayan nila ng Kapamilya star kahapon.

Anyway, this election ay hindi mayor ang tatakbuhan ni Javi, idineklara nang mayor ng Victorias City, Negros Occidental, ang kanyang bid para sa ikatlong congressional district ng lalawigan.

By the way, naging ex din ni Mayor Javi ang anak ni senatoriable Chavit Singson and former beauty queen Miss World Philippines 2017 Katarina Rodriguez.

Galing sa old rich family si Javi, na anak ni Negros Mayor Albee Benitez.

Dua Lipa, ‘di tinuloy ang concert sa Jakarta

Ahh hindi tuloy ang Jakarta concert ni Dua Lipa sa Jakarta, Indonesia.

Pagkatapos umalma ng kanyang fans sa pang-iisnab ng Grammy sa kanyang third album na Radical Optimism, hindi tuloy ang kanyang concert sa Indonesia dahil sa “safety issues with the staging.”

“I’m heartbroken to share that I won’t be able to perform in Jakarta this Saturday,” aniya sa kanyang Instagram story “I am here in your ama­zing country and ready to perform, but I am gutted to share that it has been determined that it is not safe for the performance to carry on due to safety issues with the staging.”

Nakatakda sanang mag-concert si Dua Lipa sa Indonesia Arena, ang 16,500-capacity venue ng Jakarta kahapon, Sabado.

“I was so looking forward to this night, and it truly pains me that we cannot perform for you all, especially after such a long time since my last performance in Jakarta,” dagdag niya.

“I love you all and truly can’t wait to be back together in the same room with you signing and dancing our hearts out as soon as possible.”

Anim na taon na, 2018, mula nang tumuntong sa Pilipinas ang global superstar para sa isang concert.

Gaganapin ang kanyang sa Philippine Arena sa Wednesday, Nov. 13.

Pokwang, nakuha na ang nasaid na pera

Nanakawan si Pokwang sa kanyang digital wallet.

At nasimot daw ang pera niya.

Kaya ang tanong niya, anong silbi ng sim registration kung pwedeng mawalan siya ng pera at manakaw ng iba’t ibang numero sa cellphone?

Sabi niya sa kanyang post : “Naghahanap buhay po ako ng marangal nagbibigay po ako ng hanap buhay sa mga single mom, tapos isang umaga pagka gising mo simot ang laman ng GCASH accnt??? ibat ibang number na hindi naka rehistro halos nasa 30 numero na hindi naka rehistro!!! ano nangyare sa registered sim policy ngayon? nakakaiyak binangon ko mag isa ang negosyong pinabayaan ng taong inasahan ko pinag katiwalaan ko pati ba naman dito naisahan parin ako? nakakaiyak talaga sana naman @gcashofficial tulungan nyo mga kagaya kong naghahanap buhay ng patas at nagbibigay ng hanap buhay din.”

Sinabi naman ng mobile wallet na GCash noong Sabado na tinutugunan nito ang mga error sa proseso na nakaapekto sa “ilang” user.

“A few Gcash users were affected due to errors in an ongoing system reconciliation process. This incident was isolated to a few users, and we assure our customers that their accounts are safe.

“We have identified and reached out to affected accounts. Wallet adjustments are ongoing,” ayon sa statement ng GCash.

ACTOR

DOMINIC ROQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with