Maiuuwi kaya ni Chelsea ang korona bilang bagong Miss Universe?

Chelsea Manalo.
STAR/ File

Masasaksihan ang pinakamagandang araw sa daigdig dahil nakatakdang ipalabas ang 73rd  Miss Universe ng ABS-CBN sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC, sa Nobyembre 17 (Linggo) simula 9 am

Kaya’t maaaring sabay-sabay nating suportahan ang pambato ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo, ang kauna-unahang Pinay representative na may Afro-American descent.

Sundan ang kanyang journey sa pakikipaglaban sa iba’t ibang mga reyna para sa prestihiyosong titulo ng Miss Universe.

Ngayong taon, naglabas na rin ang Miss Universe Organization ng bagong format ng kompetisyon. Mula sa 130 na kandidata, 30 lang ang aabante sa pageant at 12 lang ang magpapaligsahan sa evening gown portion. Mula sa 12 tanging limang binibini ang matitira at magpapakitang-gilas sa question and answer round.

Para matulungang makapasok si Chelsea sa Top 30, maaaring i-download ang Miss Universe app sa mobile devices at pindutin ang “Philippines.”

Masungkit kaya ni Chelsea ang korona bilang Miss Universe? Abangan sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC.

Mapapanood din ang same-day replay simula 8:30 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel at iWantTFC. Magpapalabas ng iba pang mga replay ang Metro Channel sa Nobyembre 18, 7:30 p.m., at 23, 8:30 a.m.

Tho hindi gaanong maingay si Chelsea. Parang tahimik siya.

Sinasabi nilang hindi mukhang Pinay si Chelsea, pero ganun pa man, suportahan natin.

Show comments