11 na si Sofia “Fyang” Smith ngayong Linggo (Nov. 10) sa Tao Po.
Matapos hiranging ika-18 Big Winner ng hit reality show sa bansa, balik-outside world ang Amakabogerang Influencer ng Mandaluyong na nais ding pasukin ang mundo ng showbiz.
Bukod dito, ibabahagi rin ni Fyang ang kaniyang buhay bago maging housemate ni Kuya.
Samantala, napahanga naman si Bernadette Sembrano sa makabuluhang misyon ni Dr. John Ronquillo na makatulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng online consultations at maintenance medicines sa mga batang may cancer at senior citizens. Inspirasyon niya ang hirap ng buhay na kaniya ring pinagdaanan noon at ang sakripisyo ng ina na itaguyod ang kaniyang pag-aaral mula sa pagtitinda ng isda sa palengke.
Ibabahagi naman ni Kabayan Noli de Castro ang kuwento ng isang ride-hailing driver na si Marlon Fuentes na may Tourette Syndrome. Sa kabila ng kondisyong ito na siyang dahilan ng hindi makontrol o hindi sinasadyang paggalaw ng ibang parte ng katawan, pinipili ni Marlon na maghanapbuhay nang marangal para masuportahan ang pangangailangan ng pamilya.