Isang kaibigan ang nag-forward sa amin ng video na kung saan nakunan sina Dominic Roque at Sue Ramirez sa isang parang party.
Sa video na ‘yun ay nakunang naghalikan silang dalawa.
Ayon sa ilang may alam sa kuwento, sa Siargao daw ‘yun na kung saan may wedding na dadaluhan si Sue.
Kasal daw ‘yun ng bestfriend ni Sue, at isa siya sa abay.
Na-check namin sa Facebook na noong Oct. 25 ‘yung wedding sa Siargao, at may nag-post ngang naka-white gown ito sa bridal march.
Ang sabi ng napagtanungan namin, ‘yung party daw na ‘yun ay bago ang wedding day. Pero hindi raw nila alam kung bakit nandun si Dominic.
Dito nga nakumpirmang matagal nang break sina Sue at Mayor Javi Benitez.
Single naman si Dominic, kaya kung may something nga sila ni Sue, wala naman sigurong masama ru’n, dahil pareho namang walang sabit.
Kahapon lang kumalat ang video na ‘yun, at marami na ang pumik-ap. Kaya tingnan natin kung ano ang sagot nila sa video na ‘yan.
Ken Chan, wanted na sa kasong P14 milyong estafa!
Nabulabog ang isang subdivision sa Quezon City dahil sa pagdating ng mga kapulisan at media sa tahanan ng Kapuso actor na si Ken Chan.
Kaya nai-serve ang warrant of arrest laban sa aktor na nahaharap sa kasong Syndicated Estafa worth P14 million.
Ang kasong ito ay mula sa isang complainant pa lamang na hindi nagpakilala sa media.
Si Atty. Joseph Noel Estrada ang humarap na siyang nag-represent sa complainant. “Nag-serve lang po tayo ng warrant of arrest against Ken Chan, para po sa kinakaharap niyang kaso. Meron pong pending warrant of arrest na inisyu ng korte, kasama ang kanyang mga co-accused.
“Hindi po nai-serve ‘yung warrant ngayon, at patuloy na hahanapin siya,” pakli ni Atty. Estrada.
Bukod kay Ken Chan, may pito pa itong kasama na kinasuhan pero hindi na nila nabanggit ang pangalan. Si Ken lang kasi ang kilala sa kanila. “Sila po ay nakasuhan ng syndicated estafa under Article 315 of the Revised Penal Code. Meron po silang pending na kaso na nasa husgado na.
“According to the complaint na hiningan ng investment ni Ken Chan… hindi naman sila authorized to solicit investment from the public using the misrepresentation fraudulent schemes nakakuha sila ng pera sa complainant.
“More or less ang involved na pera ay nasa P14 million. Base sa complaint ay dalawang bigayan ito in less than year nabigay,” sabi pa ni Atty. Estrada.
Sinabihan na rin si Atty. Estrada na ang balita ay nasa ibang bansa na si Ken, pero hindi na nagkomento diyan ang abogado.
Ang gusto lang daw nila ay makabalik ng bansa ang Kapuso actor para maharap nito ang maraming kaso.
“Hindi po natin ma-verify, but we’re doing everything to serve the warrant,” saad pa ng abogado.
Sinubukan naming hingan ng pahayag ang kampo ni Ken Chan pero ayaw na nilang magsalita.
Kahit ang Sparkle na siyang nagha-handle sa kanya ay wala rin daw munang masabi dahil magmula nung June ay naka-on leave pala ang aktor sa GMA 7 for health reason daw.
Sa social media naman ay nagpo-post ang aktor ng lumang pictures nito na kuha pa sa Japan, Amerika at dito rin kasama si Jillian Ward.
Hindi rin siya sumasagot sa aming text message.