So parang pelikula lang, kahit pa ang dami-daming pulis sa bahay ni Ken Chan, naisahan sila at walang Ken Chan na nandun na inaakusahan ng syndicated estafa.
Comment ng mga matatabil nating kasamahan sa trabaho, si Harry Roque nga hanggang ngayon hindi nila matunton, eh ke laki laki na nu’n, si Ken Chan pa kaya? Ano ‘to mga bakla, taguan?
Lagare sa HLA!
Masaya ang Family Feud guesting ng cast at direktor ng Hello, Love, Again. Ngayon sila lilipad papuntang Cebu para mag-promote. Then sa Sunday may grand fans day at mall show sa Market Market.
Sa tingin n’yo, mahihigitan kaya ng box office gross nito ang Hello, Love, Goodbye?
Malamang. Eh mabe-break kaya nito ang record ng Rewind?
We’ll see! May chance!
Korina, mag-uumpisa na sa pagiging bouncer sa mga nag-aaway
All set na si Korina Sanchez na pamunuan ang Face To Face Harapan na magsisimula sa Monday.
Comment ng mga tao, ang sexy naman nitong bouncer na ito? Paano kaya niya ita-traffic ang mga nagbabangayang mga tao?
Hindi ba siya napapagod sa rami ng shows niya?
Aabangan natin ang kanyang makakaharap, aber!!!
Chelsea,walang dating sa Miss Universe events?!
Bakit nagtatalo ang ilang mga kababayan nating beauty pageant aficionados tungkol sa kandidata natin sa Miss Universe na si Chelsea Manalo? Maganda raw siya sa mga napaghandaang photoshoots pero hindi raw kagandahan ang dating niya kapag Miss U events. Bakit???
Ang sabi ng mga concerned vaklush, as of now our delegate has really delivered in photoshoots but not in actual events and in motion. Chelsea and her team should do better.
Paano kaya?
Nakakataquote:
Dominic at Sue, mag-jowa na?!
Overheard conversation: Sina Dominic Roque at Sue Ramirez na ba? Ang ex ni Bea Alonzo at ex ni Javi Benitez, sila na? Talaga?