Ken, nagparamdam dahil kay Jillian?!

Jillian Ward at Ken Chan

Tahimik na ngayon ang isyu kina Rita Daniela at Archie Alemania dahil hinihintay na lang ang counter-affidavit ni Archie sa complaint ni Rita.

Nung tsinek namin sa kampo ni Rita, wala pa raw silang alam at so far wala pa raw silang natatanggap na subpoena.

Nung kainitan ng isyu nila ay si Ken Chan ang isa sa na naalala namin bilang malapit ito kay Rita.

Tinanong namin ang ilang close kay Rita kung nagparating ba ng mensahe si Ken sa dating ka-loveteam. Magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon, kaya tiyak na isa si Ken sa sumusuporta sa Kapuso actress.

Si Atty. Maggie Abraham-Garduque rin ang abogado ni Ken, pero hindi raw niya alam kung kumontak ito kay Rita. Hindi naman ibinahagi sa akin ni Atty. Maggie kung nandito na ba si Ken, dahil sobrang tipid siya sa mga sagot niya pagdating kay Ken.

Nagpaparamdam ito minsan sa kanyang Instagram account. Kagaya kahapon ay nag-post siya sa kanyang IG story ng kuha nila ni Jillian Ward nung nagkasama sila sa Japan. May caption itong “I miss her (sad emoji).”

Ang isang page ay video na parang sa set pa ng Abot-Kamay Na Pangarap na nag-knock knock siya kay Jillian na si Analyn sa afternoon series na natapos na.

JC, ayaw nang balikan ang nakaraan nila ni Rhian

Muling nagsama sa isang project ang dating magka-loveteam na sina JC de Vera at Rhian Ramos.

Tampok sila sa pelikulang Huwag Mo Kong Iwan ng BenTria Productions at kasama rin nila si Tom Rodriguez sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.

Nung nasa GMA pa si JC ay nagkasama sila ni Rhian sa seryeng La Lola na maganda ang kinalabasan at nakatulong sa kanilang career.

Hindi naman daw niya masasabing magka-loveteam sila, pero maganda raw kasi ang kinalabasan ng tandem nila sa La Lola.

Kaya exciting nung nagkatrabaho sila uli pero parang wala naman daw nabago nung nagkita sila uli at nagkasama sa pelikulang ito na magso-showing na sa Nov. 27. “We’re both okay. Hindi naman kami unfamiliar sa isa’t isa pagdating sa pag-arte at sa paggawa ng project kasi ‘yung ginawa nga namin ‘yung La Lola, magandang series ‘yun at mahaba. That was 2008, medyo matagal na,” pakli ni JC nang makatsikahan namin sa Super Sam kahapon.

Wala naman daw ilangan nung nagkatrabaho sila uli.

“Walang feeling na alam mo ‘yun. Kasi matagal kaming hindi nagka-work, akala ko magkakapaan kami, pero hindi. We’re still the same. Maayos naming nagawa ‘yung project namin tapos walang ilangan, walang… very comfortable pa rin as in professionally natapos namin ‘yung mabibigat na eksena namin hindi kami nagkaroon ng maraming takes,” sabi ni JC.

Hindi naman itinanggi ng aktor na parang nag-date raw sila noon ni Rhian, pero nadala lang daw ‘yun dahil sa pagsasama nila sa La Lola. “Normal naman kasi yata na kapag meron kang naka-partner before, nali-link talaga kayo mutually na parang… meron naman. Siguro bonding, more on bonding,” pakli ni JC.

Pero naging sila ba talaga noon? “During that time lahat na magkaka-partner parang nagkakaintriga na nagliligawan, nagiging sila kasi sweet sila.

“Pero matured na tayo lahat dito e. Teenagers pa kami nu’n e. We’re both matured na, she has her own boyfriend right now, serious boyfriend. And I have my own family right now. So, I guess parang irrelevant na siya,” sabi lang ni JC.

Happy ngayon si JC sa kanyang career dahil magaganda ang projects na napupunta sa kanya. Bukod sa Huwag Mo Kong Iwan, may isa pa siyang pelikulang nagawa, at kapipirma lang niya ng renewal sa ABS-CBN.

Magiging bahagi siya sa action-drama series na Nobody ni Gerald Anderson. Masaya siyang nandiyan pa rin ang tiwala sa kanya ng ABS-CBN at nabigyan siya ng magagandang projects sa loob ng 11 years niyang pagiging Kapamilya. “Siguro kahit mag-50 ako hoping ako na sana maging Kapamilya pa rin forever,” napangiting pakli pa ng aktor.

Show comments