Totoo bang naghubad sina John Lloyd Cruz at may naked scenes din si Jasmine Curtis-Smith sa pelikulang Moneyslapper na magpe-premiere tin sa QCinema bukas sa Gateway Theater?
Sobrang daring daw ng pelikulang ito na R-18 at limitado talaga for adults ang pelikula.
Tanggap naman siguro nina JLC ito at masaya lang talaga sila na finally maipapalabas na ang pelikulang pinaghirapan nila ni Direk Bor Ocampo!
Ice at Spencer, hindi nagkatagpo
Bukas na ang 90s Dance Concert ng Streetboys sa New Frontier Theater. At bukas din ang concert supposedly ni Ice Seguerra na Videoke Hits sa Music Museum!
Sayang lang ‘di ba, at hindi magkikita together sina Ice at Spencer Reyes? Hehehe! Level Sharon-Gabby, Marvin Agustin-Jolina Magdangal ba?
Ang cute lang sana, ‘di ba? Hehehe!
Babae..., umaalma
Ayun na, nag-react na si Direk Chris Martinez at sinabing “The highest-grossing Cinemalaya film is STILL Ang Babae sa Septic Tank. 36M gross. And that was in 2011. #WithAllDueRespect.”
Kasi, ok namang sabihin na kumita ang Balota pero totoo bang may ibang nake-claim na umabot na ito ng six digit figures?
Lost..., lusot sa Q...
Bukas na ipapalabas ang Lost Sabungeros na ang balita ay mag-a-attend daw ang mga pamilya ng mga nangawalang mga tao?
Ang tanong, may security threat pa rin ba sa pagpapalabas nito? Bakit ba talaga hindi ito napangatawanan ng Cinemalaya noon?
Tingnan natin ang rebelasyon na magaganap sa pagpapalabas nito sa Gateway bukas sa QCinema!
Nakakataquote:
“Same same lang no?
“Wala sa talino, wala sa yaman.
“Niluwa na, binalik pa.
“Sounds familiar?
“Ewan ko na, world!”
– Agot Isidro