^

PSN Showbiz

Sikat na female singer, iba ang hitsura ‘pag walang makeup!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Mabenta ang isang sikat na female singer sa abroad. Kaya naman lagi siyang wala sa bansa lalo na’t maraming mas magaling na singer na mas priority kesa sa kanya.

Sa isang biyahe ni singer sa abroad at palapag na ang eroplano, naghanda na siyang mag-retouch ng makeup para paglabas eh fresh ang dating sa mga tao.

Eh kaso, biglang nag-announce ang piloto na madi-delay ang paglapag nila dahil sa traffic sa runway na nangyayari lalo na sa malaking airport.

Upang hindi mainip, retouch uli ang singer. Nang matatagalan pa, retouch na naman siya hanggang nakailang retouch siya ng makeup bago naglabasan ang mga sakay sa plane.

Nagpahuli ng baba sa plane para may impact ang dating niya paglabas ng plane. Kaya lang nang palabas na siya, hinila siya ng kanyang personal assistant para ayusing mabuti ang makeup! Kasi, nag-crack na ‘yung makeup sa mukha niya!

Agad-agad nagtanggal ng makeup sa comfort room si singer at lumabas sa plane kahit wala nang makeup!

Mabuti at nakilala naman siya ng organizers ng kanyang show dahil iba ang hitsura ni singer kapag may makeup at kapag wala, huh!

Sabungeros…, tuloy na tuloy na!

Tuloy na tuloy na kaya ang showing ng unang investigative docu-film na Lost Sabungeros mula sa GMA Public Affairs at GMA Pictures.

Ngayong Sabado ang takdang showing nito para sa QCinema International Film Festival sa Gateway.

Unang binalak na ipalabas ito sa nakaraang Cinemalaya IndieFest.

Pero biglang umatras at ang rason ay security reasons. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nasosolusyunan ang pangyayaring ito sa nawawalang sabungeros.

Ano ba ang laman ng Lost Sabungeros? Wala na kayang problema sa seguridad?

vuukle comment

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with