Sam at Catriona, ayaw nang magtabi!
Maraming fans ang nalungkot nang makita nilang hindi na magkatabi sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Sam Milby sa kanilang upuan sa eroplano.
Makikita sa mga litratong ipinost ng Cornerstone Entertainment, ang talent agency na namamahala sa kanila pareho at kabilang sila sa mga artista na umalis para sa concert na gaganapin sa Canada.
Kasama nga ang diumano’y mag-ex na ngayon sa mga artist nila na pupunta sa Canada para sa kanilang concert tour. Pero isa sa napansin agad ng netizens at fans ay hindi magkatabi ang dalawa.
Nanghinayang ang mga tagahanga nila dahil wala na silang pag-asang magkabalikan.
Maaalalang kinumpirma ng talent agency nila na may pinagdaraanan ang kanilang relasyon at sinusubukan itong ayusin ng dalawa matapos ang ispekulasyon tungkol sa hiwalayan nila.
Pero mas tumibay ang ispekulasyon na wala na ang dalawa nang magselebreyt ang aktor ng kanyang birthday na wala si Catriona. Binura na rin ng beauty queen ang engagement photo nila.
Inakala pa na naayos ng dalawa ang problema nang makita silang magkasama sa birthday celebration ng founder ng kanilang talent agency pero ngayon nga ay mukhang kumpirmado na wala na ang dalawa.
Ang aktor naman na si John Prats na ang katabi ni Sam sa eroplano.
Ang kinatutuwa naman ng fans ay magkaibigan pa rin ang dalawa at hindi nagsiraan gaya ng ibang celebrity na mag-ex.
Kasalan ng taon, pinaiingay!
Marami ang naintriga sa ipinost na gold invitation ng mga celebrity gaya nina Anne Curtis, Gabbi Garcia at Maymay Entrata.
Na-curious ang marami kung sino ang ikakasal na may initials na K at B.
“Someone’s getting married!!
“How exciting! Looking forward to it!” caption ng It’s Showtime host at may hashtag pa na #BiggestWeddingofTheYear.
Habang si Gabbi naman ay sinabing best in abay siya sa kasal kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos.
Kanya-kanya namang hula ang netizens kung sila ang ikakasal ay may mga hula na baka promo lamang iyon.
Meron pang humula na ikakasal ulit sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho dahil puro Belo babies ang mga nag-post.
Kaya nakaabang ang mga netizen kung kaninong kasal nga ba talaga ito. Bongga.
- Latest