Forty-something actress na jowa ng maimpluwensyang negosyante, sampung teleserye ang tinanggihan
Nagtataka ang mga production cast ng isang TV network bakit tanggi nang tanggi si forty-something actress sa mga drama series na inaalok sa kanya.
Sabi ng isang taga-production na nakausap, naka-sampung projects na raw ang tinanggihan niya. Wala naman daw siyang sinasabing dahilan, at hindi naman sinasabing hindi na siya mag-aartista. Basta hindi lang daw siya puwede.
Walang kaalam-alam ang mga taga-production na sobrang yaman ngayon nitong aktres.
Matagal nang pinag-uusapan ang relasyon nito sa isang maimpluwensyang businessman na na-link din noon sa mga magagandang aktres.
Parang ayaw naming maniwala noon, pero marami na ang nagsasabing binigyan ng magandang bahay, at ibang kapritso sa buhay.
Sabi ng aming source, hindi lang daw sila sure kung sila pa rin, pero kampante na si aktres sa mga natatanggap niya na kahit hindi na siya magtrabaho at magpakapuyat sa taping ay buhay siya at ang kayang mga anak.
Ang ganda pa rin kasi ni forty-something actress at napapanatili ang alindog nito.
Kaya maaliwalas ang buhay nito dahil sa magandang relasyon kay maimpluwensyang businessman.
Sang’gre, ire-reshoot ng mga bagong direktor
Kung pakinggan mo ang kuwento tungkol dito sa Sang’gre ay parang sumasakit na ang ulo ko.
Lalong lumala ang problema pagkatapos mag-resign ni direk Mark Reyes at in-assume na ito nina direk Rico Gutierrez at Enzo Wllliams.
Ang latest na nabalitaan namin, kailangan daw mag-reshoot ng mga eksena dahil gusto raw itong baguhin ng dalawang direktor.
Nakakapanghinayang ‘yung mga matatapong eksena na tiyak milyun-milyon ang ginastos doon.
Pero gusto raw baguhin nina direk Rico at direk Enzo ang pilot week, kaya pina-revise ang script at kailangang mag-taping ulit.
Kaya malabo na itong makahabol sa target playdate na dapat ay ipalit sa timeslot na iiwanan ng Pulang Araw.
Hindi na rin naman kasi extended ang Pulang Araw dahil nakikita naman sa Netflix na hanggang 100 episodes lang ito.
As of yesterday ay nasa 75 episode na ito at ang tantiya namin by December ay tapos na ito.
Ang narinig naming ipapalit na sa timeslot nito sa primetime ng GMA 7 ay ang Batang Riles nila Miguel Tanfelix.
Maliit lang ang budget nito, at baka may ilalaban pa ito sa Ang Batang Quiapo ni Coco Martin.
Abangan na lang natin.
- Latest