Jolens, masaya ang pasok ng birthday

Marvin Agustin at Jolina Magdangal Escueta
STAR/File

Masaya ang pasok ng birthday ni Jolina Magdangal Escueta kahapon dahil may bago siyang endorsement at bagong movie rin with Marvin Agustin!

Ang tanong ng madlang pipol, bakit parang nawala ang ingay ng Magandang Buhay na ang balita nati’y tuluy-tuloy naman sa Kapamilya channel pero parang diminished na ang impact lalo pa nung kinekeri pa siya ng TV5.

Paano na kaya ang ratings ng morning show na ito gayung nagsigawaan na rin ng iba’t ibang morning shows ang iba’t ibang major networks? Ang tanong, uso pa ba talaga ang talk-magazine shows ngayong ang dami nang nagvo-vlog ng ganitong klase ng palabas?

Oh well, at least nakatatak pa rin naman si Jolens sa Magandang Buhay, at kahit nga tumanda pa siya, mananatili pa rin siyang batang ina at batang may asawa sa mga umabot sa Jolina Jologs era.

Sang’gre direk na tsinugi, may 2 pelikula na

Totoo bang may dalawang Mark Reyes films daw na dine-develop ng GMA Pictures?

Ang tanong tuloy ng mga tao, lubos na pinagpala? Ano na ba’ng major major contribution ni Mark Reyes sa pelikula? Good luck na lang, ‘di ba? Sana hindi ito matulad sa nangyari sa Sang’gre.

TJ Monterde, kinabog sa concert scene si KZ

Grabe, panahon ngayon ng TJ Monterde who has the theme song of Hello, Love, Again up his sleeves – ang Palagi. May Day 2 na ang kanyang Sarili Nating Mundo at the Big Dome concert.

Aside from Feb. 1, may Feb. 2 na! BINI Levels ba ito? Ang swerte naman niya!

In fairness magaling naman talaga itong asawa ni KZ Tandingan! Masasabi tuloy natin na he is ma­king a name of his own, at ‘yung ganitong 2 consecutive solo Araneta Coliseum concerts ay mahirap i-achieve kahit ni KZ noong peak niya ha, so dapat ipagpasalamat talaga! Mabuhay ang OPM!

Chavit, inabot na ang P1 million sa pamilya ni Carlos!

Natuloy pala ang pagbibigay ni Manong Chavit Singson sa pamilya ni Carlos Yulo ng P1 million as a reconciliation gift? Support na rin ba niya ito sa mga kapatid na magco-compete rin yata for their sport!

Pero kumusta naman ang side ni Caloy? Handa na ba siya na makipag-peace sa pamilya niya? Or better yet, handa na ba si Chloe San Jose? Hindi ba umay na ang ganitong isyu?

Nakakataquote:

“The people put into power the future of their government. The people’s vote reveal the moral compass of the nation.” – Direk Jose Javier Reyes

Show comments