^

PSN Showbiz

MTRCB, nakapagrebyu ng 23,000 na materyal nung October

Pilipino Star Ngayon
MTRCB, nakapagrebyu ng 23,000 na materyal nung October
Lala Sotto-Antonio
STAR/File

MANILA, Philippines — Umabot sa 23,399 ang mga materyal para sa telebisyon at pelikula ang narebyu at nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa buwan ng October 2024. Kabilang dito ang 11,512 TV Programs, 11,640 TV Plugs at trailers, 66 local at international films, 54 movie trailers at 127 movie publi­city materials.

Ayon kay MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio, ang malaking bilang ng narebyu ng Board ay isang magandang indikasyon ng pagyabong ng industriya ng paglikha.

“Kami sa MTRCB ay lubos na natutuwa sa malaking bilang ng mga materyal na isinumite sa ating Ahensya para mabigyan ng tama at angkop na klasipikasyon ng ating tatlumpu’t isang Board Members,” sabi ni Sotto-Antonio.

Ayon sa MTRCB Board, nagpapakita ito ng dedikasyon ng Ahensiya sa pagsuporta sa kalayaan sa pagpapahayag o freedom of expression at sa pagtitiyak na ligtas panoorin ang mga palabas bago ito mapanood ng publiko.

Globe at BINI, may dalang Oh My G experiences!

Maghanda na para sa bagong level ng excitement sa All-New Rewards ng Globe. Ang bagong rewards program na ito ay may kasamang bagong features at partners na dinisenyo upang gawing mas nakakasabik ang araw-araw.

Buksan ang nakatagong yaman ng mga sorpresa, mula sa mystery boxes hanggang sa gamified scratch cards. Kasama ang fresh collaborations, ang daily purchases sa pamamagitan ng GlobeOne app ay mayroon nang kasamang mas maraming Rewards points na maaaring ma-redeem ang special perks na magdadagdag-saya sa iyong routine.

Para sa mas level-up, nakipagsanib-pwersa rin ang Globe sa nation’s beloved girl group na BINI, at mga kilalang na Blacklist International. Ang dynamic at ‘di inaasahang kolaborasyon na ito ay inaasa­hang makakabighani sa marami at magdadala ng “Oh My G!” experiences.

Ang All-New Rewards ay puno ng incredible perks gaya ng G-Unbox kung saan sisirain ang mga mystery box na puno ng monthly offers mula sa mga bagong partners. Ang G-Swipe kung saan mae-enjoy ang gamified scratch cards na may pagkakataong manalo ng premium items. Malalaking papremyo ang binabagsak tuwing ika-17 ng buwan upang mas maraming makuhang premyo ang mga customer sa bawat pag-swipe nila.

Habang ang Challen-Gs ay merong kailangang kumpletuhing mga misyon at makakakuha ng bonus points para ma-enjoy ang mas maraming rewards.

Sa G-gantic Goals ay makipagtulungan sa pamilya at mga kaibigan para maabot ang goals at ma-unlock ang rewards na sumusuporta sa makabuluhang layunin.

Upang ma-enjoy ang rewards at experiences na ito, sumali sa All-New Rewards nang libre, na eksklusibo sa GlobeOne app.

LALA SOTTO-ANTONIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with