Mahigit dalawang dekada nang aktibo si Jake Cuenca sa show business. Para sa aktor ay kailangang magkaroon ng pagmamahal at dedikasyon sa trabaho upang magtagal sa industriya. “I believe when I started 23 years ago, I still believe it today. What stays true is your passion and dedication to your work. So even at the highest of high winning awards or stuff like this. The next day, what grounds you is your dedication and your commitment to work,” makahulugang pahayag ni Jake sa ABS-CBN News.
Ayon sa binata ay hindi kinakailangan na maging bida sa proyekto upang pagbutihin ang trabaho. Kahit maliit o maikli lamang ang karakter na gagampanan ay kailangan pa rin umanong paghusayan ang ginagawa, “The smaller the role is, the more you have to elevate it, the more you have to shine through and make an impact. Kahit may maliit kang role na nagagawa when you’re starting out, you put so much weight on that. Make it like your biggest project ever. Believe me, you will shine through. That’s how I did for the past 23 years and I’m still here,” giit ng aktor.
Kamakailan ay muling pumirma ng kontrata si Jake sa ABS-CBN. Malaki ang pasasalamat ng aktor sa pamunuan ng Kapamilya network dahil sa patuloy na pagkuha sa kanya upang gumawa ng proyekto. “You always have to constantly show them something new. Show them how good you really are. Just as long as ABS-CBN needs me, I’m here. But the day na feeling ko na hindi na nila ako kailangan, I would gracefully exit. Gracefully bow out and exit myself,” pagtatapos ng binata.
Ogie, tanggap na replaceable
Pinagarap lamang daw noon ni Ogie Alcasid na maging host ng It’s Showtime. Matatandaang nagsimula bilang isa sa mga Hurado ang singer-songwriter para sa Tawag Ng Tanghalan segment ng programa noong 2017. May pandemya pa noong 2021 nang maging opisyal na host ng naturang noontime show si Ogie. “Parang it was a dream come true. Parang naalala ko noong judge pa lang ako sa Tawag Ng Tanghalan, sabi ko ang saya-saya nila doon sa entablado. Parang sarap makipagbardagulan sa kanila and it happened,” kwento ni Ogie.
Sa halos apat na dekada ay marami na ring pagsubok ang nalampasan ng singer-composer sa kanyang karera. Mayroong mga pagkakataon na naiisip ni Ogie na posibleng mayroon nang papalit sa kanyang mga ginagawang trabaho. “We know that our work has become quite. The industry is becoming smaller and smaller. It’s the truth. Hindi ka naman pwede forever nandiyan. You are replaceable. But what I’ve learned so far is that every opportunity you’re given, they say to reinvent. For me, it’s about continuing to create. Not knowing when your next job will come, not knowing where you will go. Kasi ganyan talaga ang nature ng trabaho natin. There is so much uncertainty,” makahulugang pagbabahagi niya. — Reports from JC