^

PSN Showbiz

Sabungeros…,ipalalabas sa QCinema!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Sabungeros…,ipalalabas sa QCinema!
At gaano katotoo na dahil dito, ay hindi na sasali muli ang GMA sa kahit na anong Cinemalaya?

Kaabang-abang ang Lost Sabu­ngeros ng GMA Pictures na may gala premiere sa Sabado.

Bakit nga ba hindi natuloy ito sa Cinemalaya? At gaano katotoo na dahil dito, ay hindi na sasali muli ang GMA sa kahit na anong Cinemalaya?

At kung may totoo mang threat sa security ng mga manonood nito, ang tapang ng QCinema para pangatawanan ang pagpapalabas nito! Kaabang-abang ito sa weekend!

Direk Mark ‘na-overbudget, naunahan sa announcement

Medyo sumabog ang balita ng pagre-resign diumano ni Direk Mark Reyes to give way to the new Sang’gre directors Enzo Williams and Rico Gutierrez.

Saan at kanino nagsimula ito? Sino ang nagsalita para unahan ang impending announcement ng mga pagbabago?

Sa ganitong mga issue, sino ang naglilinis ng narrative?

Totoo bang overbudget na at hindi raw talaga madepensahan ng upper management ang nagagawa ng kasalukuyang team – kaya kinailangan silang palitan?

Sa puntong ito, sino ang nakinabang sa balita? Naawa ba tayo sa mga tauhan? Parang hindi naman. Much ado at much gastos for what, ‘di ba?

The audience would want good results!

Ion Perez, dapat tularan ng ibang artista!

“Gusto ko po munang ihanda ang sarili ko para hindi mapahiya [sa inyo] at mapaglingkuran kayo nang tama,” ‘yan ang sinabi ni Ion Perez sa kanyang pagwi-withdraw sa pagtakbo sa darating na eleksyon.

Ang tanong, ilan pa kayang mga artistang gustong sumabak sa pulitika ang magkakaroon ng ganitong realization?

Sana marami pa, ‘di ba?

Mga Pinoy, invested din sa US Elections!

Kaabang-abang pa rin ang resulta ng US elections, ‘di ba? Kahit medyo downplayed ito sa ating kamalayan, hinihintay natin ang resulta dahil gusto nating makita kung gugustuhin ng Amerika ng bagong lider na babae o babalik sila sa dati nilang “strong” leader?

Nakakapagtaka na marami sa mga kababayan natin sa US na Christian pa ha – ay pro-Trump (Donald)! At maingay nilang ipinaglalaban ito.

Samantalang katulad dito, ang A-listers ay pro-Kamala (Harris), ang babaeng lider na sinusubukang gumawa ng pagbabago. Ano sa tingin niyo, malamang labas na ang resulta ngayon! It’s a tie nga ba ang sitwasyon ng mga Amerikano at mga Pilipino?

Nakakataquote:

LGR, fake news ang pagkakatsugi!

Following the blind items tungkol sa network executive na tsinugi na kung anu-ano ang lumalabas na rason, na kesyo creatives ang dahilan, heto ang nakalap nating rebelasyon: “Retired na si LGR (Lilybeth Gomez Rasonable) sa GMA 7. She is just hired as a consultant (Head of Entertainment) on a yearly basis.” – from a reliable source.

Paglilinaw: Hindi si Ms. Lilybeth Rasonable ang tsinugi. At mutual ang decision whether ire-renew ang kanyang pagiging consultant sa GMA yearly. Kalma lang sana ang lahat.

MOVIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with