Dahil malapit na ang December, talagang naghihintay na ako sa mga poinsettia ni Alfred Vargas.
Si Alfred kasi ang naka-assign na magbigay ng mga hanging plant para sa Christmas taun-taon.
At talagang proud ako na malakas ang pangalan nila ng kapatid na si PM Vargas sa mga kandidato sa aming distrito.
Talagang simula pa lang marami na ang nagsasabi na iboboto nila si PM at Alfred Vargas. Nakaka-proud dahil alam mo na binigay nila ang lahat para sa kanilang trabaho.
No wonder mahal sila ng tao at talagang una mga pangalan nila sa iboboto.
At suwerte ni Alfred na puwede siyang tumalon between showbiz and politics.
Parehong hinahangaan sa dalawang mundo. Isang mahusay na artista at matapat na public servant.
Anyway, chika ko lang na every year may mga assignment ang mga alaga ko sa akin.
Hahaha.
Yes lahat sila na hindi ko na babanggitin kung sinu-sino ay may mga assignment. Merong lechon, catering, cellphone, at kung anu-ano pa.
Kaya pagpasok ng Disyembre, waiting na ako sa mga ipapadala nila.
Tradisyon na ‘yan, taun-taon talaga meron na silang ganyan. Kaya walang nakakalusot sa kanila kahit pa si Paolo Contis.
Pasko na, kaya remind ko rin lahat ng mga friend ko na tumatanggap na ako ng mga regalo. Welcome na lahat ha.
Pero wish ko talaga na maging masaya ang Pasko nating lahat sa kabila ng sunud-sunod na bagyo na ewan ko naman kung bakit ayaw tayong tigilan.
Meron na naman daw bagyo na Marce.
‘Di bongga.