50 Pinoy artists at cultural practitioners, nagsama-sama sa makasaysayang kolaborasyon!

Malugod na tinanggap ng British Council ang grupo ng international Moving Narratives sa Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon, na nagmarka ng isang makasaysayang hakbang sa cross-cultural collaboration at artistic exchange.

Inorganisa ng organisasyon ang isang artist mixer at roundtable discussion sa Makati City, kung saan nagtipun-tipon ang mahigit 50 Filipino artists at cultural practitioners, kasama ang global dele­gates mula sa Moving Narratives programme.

Nagbigay ng masiglang plataporma para sa mga kalahok ang pagtitipon na ito para tuklasin ang mahahalagang problema sa lipunan, maibahagi ang malikhaing pananaw at makapagtatag ng mga bagong koneksyon na maaaring maging simula ng pangmatagalang kolaborasyon.

Pinagsasama-sama ng Moving Narratives, isang mentorship initiative ng British Council at Prince Claus Fund, ang mga mid-career artists at cultural practitioners mula sa iba’t ibang panig ng mundo taun-taon. Nagbibigay ang programa ng dynamic space sa pagtuklas ng mga bagong pa­nanaw at pagbuo ng artistic networks para maharap ang mga hamon sa lipunan, na lumilikha ng ripple effect ng pagbabago sa pamamagitan ng gawain ng bawat kalahok.

Nagtipun-tipon naman noong Oktubre 23 ang 16 artists na kumakatawan sa spectrum of artistic disciplines para sa isang makabuluhang roundtable discussion na pinangunahan nina Andrei Nikolai Pamintuan, Head of Arts at the British Council, at Jonathan Morley, Relationships Manager sa British Council. Ang mga paksa ay mula sa censorship at regional representation hanggang sa labour rights at ang pangangailangan para masuportahan ang mga artist bilang mahahalagang kasapi ng manggagawa.

Sa pamamagitan ng mga inisyatiba tulad ng Moving Narratives, isinusulong ng British Council ang mga artist, cultural practitioners, at mga orga­nisasyon bilang kinatawan ng pagbabago. Sinusuportahan ng programang ito ang iba’t ibang boses na tumutugon sa kritikal na pandaigdigang tema, kabilang ang cultural heritage, creative climate action, diversity, gender equality, at disability arts. Itinatampok nito ang papel ng sining sa paglikha ng matatag na koneksyon na humihikayat sa palitan ng mga kaisipan na magdudulot ng kapakinabangan sa mga komunidad sa buong mundo.

Patuloy ang British Council na bumubuo ng mga kultural na ugnayan at nagpapatibay ng makabuluhang koneksyon sa pagitan ng UK at Pilipinas sa pamamagitan ng mga grant, partnership, at initiative gaya ng Moving Narratives. Ang mga pagsisikap na ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapayaman ng pandaigdigang sining na nakatuon sa epekto sa lipunan.

Show comments