Burado na ang ipinost na litrato ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na kanyang Halloween costume na ginaya sa isang Netflix series.
Nakatikim ng pamba-bash ang actress mula sa netizens dahil ang ginaya pala nito ay si Lyle Menendez na nakulong kasama ang kapatid nito dahil sa pagpatay sa mga magulang nila.
Nakaranas pa raw ng pang-aabuso ang magkapatid sa kanilang tatay na trahedya raw talaga ang pinagdaanan ng pamilya nila. Kaya sinabi na raw ito ni Lyle na huwag silang gawing Halloween costume sa post daw ng misis nito.
Nag-trending kamakailan ang istorya ng magkapatid dahil naitampok ang kwento nila sa Netflix.
Pero nang i-post nga ng aktres ang photo niya noong Undas na may caption na “Call me Lyle” na may hashtag na Halloween 2024 ay nabatikos siya.
Hindi na nga makikita ang post sa nasabing account ng aktres.
Barbie, sanay na sa pamilya ni Richard?
Kumalat ulit ang litrato nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.
Ang sabi kuha sa intimate dinner noong birthday ng nanay ng actor na si Annabelle Rama ang nasabing litrato.
Sinasabing si Barbie nga ang ipinalit sa dating misis ni Richard na si Sarah Lahbati.
Pero tila hindi nga boto ang bashers sa relasyon ng dalawa at sinabing mukha raw mag-tito ang dalawa dahil nga sa edad ng tatay nina Zion at Kai.
Dahil daw ito sa suot ni Richard na pang-retro pero may netizen na nagsabi na hindi raw pala biro ang presyo nito na kung tama ang sinabi nito ay nasa P15K pa raw.
Samantala, mukhang tanggap na rin ng pamilya nila Ruffa lalo na ng nanay nilang si Annabelle si Barbie dahil kung dati nga ay naiilang pa raw si Barbie na makita silang magkasama sa litrato, ngayon nga ay mukhang unti-unti na ring lumalantad ang dalawa.
Maaalalang kumalat din ang litrato nilang magkasama kamakailan noong nasa Italy sila.