^

PSN Showbiz

Claudine, inaming nabiktima rin ng pangmamanyak

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Claudine, inaming nabiktima rin ng pangmamanyak
Claudine Barretto

Pumasok na si Claudine Barretto sa isyu nina Rita Daniela at Archie Alemania. Ipinost niya noong Biyernes ng gabi ang video chat nila ni Rita, para ipahayag ang suporta niya sa Kapuso actress.

Apat na pictures ang ipinost sa kanyang Instagram account na na-grab sa video chat nilang dalawa.

Mahaba ang caption para sabihing bilang isang Claudinian daw si Rita at ate niya, nandun siya para sumuporta.

Hindi niya binanggit ang pangalan ni Archie, pero nagparating siya ng mensahe na aminin daw nito ang kanyang pagkakamali at dapat na humingi ng paumanhin kay Rita.

“I have nothing against the perpetrator & am willing to mediate if Rita wants. If u broke someone pls have the heart to genuinely apologize. It won’t make you a less of a man to admit. Choosing to be responsible & owning up to your actions and mistakes will be good for your soul.

“I will always protect anyone who is going through this for I myself was a VICTIM YEARS AGO!”

‘Yun ang pasabog niya na naranasan din daw niya ang ginawa kay Rita ilang taon na ang nakaraan.

May ilang nagtanong kung ano ‘yun, pero saka na raw niya sasabihin ang tungkol doon.

Pero may sumita kay Claudine sa pag-post niyang ‘yun.

Sabi ng isang netizen, “We know that you have a very good and genuine heart, Ms. Claudine pero sana naman po di nyo na pinopost mga ganitong bagay lalo na yung pic ni Ms. Rita diyan, since sensitive na bagay ang napag-uusapan. Sana alam nyo po ang salitang privacy, PUBLIC FIGURE pa naman po kayo.”

Sinagot agad ito ni Claudine, “Thanks for your concern. Nasa social media na lahat. Yes we are public figures. Kaya ang daming rape at molestation sa mundo dahil sa mga tao who turns a blind eye. Kung si Rita nga nagsalita ako ate nya di puwede? Kahit ikaw na di ko kakilala pag kinailangan mo ako at wag naman sana mangyari sa inyo. WE SHOULD SPREAD AWARENESS ABOUT SENSITIVE TOPICS IF NOT ANO SILBI NATIN SA BUHAY? SORRY PERO SI @missritadaniela LANG ANG MAY POWER TO TELL ME TO STOP. Pls don’t condone these wrong doings kaya sila dumadami dahil sa mga tao baluktot mag-isip. KUNG KAYA GAWIN SA MGA ARTISTA ANO PA KAYA KARANIWANG TAO? Sana naintindihan nyo”

Marami ang nag-agree at pumanig kay Claudine, dahil ang buong akala nila ay malapit sa isa’t-isa ang dalawang aktres.

Pero ayon sa aming napagtanungang malapit kay Rita, hindi naman daw sila ganun ka-close.

Nabanggit lang ni Rita sa nakaraang interviews na fan siya ni Claudine, o tipong hinahangaan niya ito bilang aktres.

Pero ayon sa mga napagtanungan namin, hindi raw aware si Rita na ipo-post ‘yun ni Claudine.

May nag-comment pa nga na sana ay hindi na ginamit ni Claudine ang kuha ng video chat nilang dalawa na umiiyak pa si Rita. At baka hindi aware si Claudine na never pa nagsalita si Rita tungkol sa isyung ‘yun.

Kahit doon sa filing niya ng complaint sa Bacoor Prosecutor’s Office ay hindi rin siya nagpa-interview.

Inalok pa ni Claudine ang sarili na mag-mediate kina Rita at Archie. Paano siya makakapag-mediate kung naging open siya sa pagpanig kay Rita?

Saka bakit hindi niya hayaan ‘yun sa mga abogado nila o ang prosecution na pumagitna sa mediation?

Buhay ni April Boy,‘di gaanong kilala ang mga gumanap

Maganda ang feedback sa pelikulang Idol: The April Boy Regino Story nang

Magpa-special screening ito para sa friends ng Waterplus Productions at ng ilang bloggers.

Paghahanda na ito sa para sa pagsisimula ng promo ng natu­rang pelikula na magso-showing na sa mga sinehan sa Nov. 27.

Naaliw sila sa mga pinasikat na mga kanta ni April Boy kagaya ng Di Ko Kayang Tanggapin, Sana’y Laging Magkapiling at Umiiyak ang Puso.

Ang ilan ay sinasabayan pa nila ng kanta, at hindi napigilang maluha sa malungkot na kuwento ng batikang singer/songwriter.

Hindi pa kilala ang gumanap na bidang si April Boy at ang asawa nitong si Madelyn Regino.

New faces, taga-entablado ang pinili na dumaan sa audition, at napagdesisyunang kunin si John Arcenas ang gumanap na April Boy at si Kate Yalung naman si Madelyn.

“Kinabahan po talaga ko… nandun ‘yung mga nag-impersonate kay April. Maraming sumali sa Pilipinas Got Talent na nag-impersonate kay April Boy kaya ‘yun kinabahan talaga ako, pero laban pa rin,” pakli ni John tungkol sa pag-audition niya.

Si Kate naman ay apo ng kilalang filmmaker dati na si Ben Yalung bilang si M7.

“‘Yung lolo ko po si M2, pero hindi ko pa po na-meet pa si Ben Yalung in person. Pero ‘yung lolo ko po si M2, mas matanda. As a new artist po, hindi ko po akalain na mabibigyan po ako ng ganung role,” sabi ni Kate na nakalabas na rin sa ilang commercials at sa pelikula ng Regal Entertainment.

Nalungkot daw sila nung hindi ito nakapasok sa Metro Manila Film Festival. Pero sabi ni Efren Reyes Jr. na nagsulat at nagdirek ng pelikula, blessing na ring hindi sila nakapasok sa MMFF.

“Matindi ang mga kalaban, baka mapahamak lang kami, at ‘yung sabi nila, wala raw pangalan ‘yung mga artista ko. E sabi ko dapat nagdala kayo ng birth certificate n’yo at baptismal, para ipakita sa kanila, may pangalan kami!” bulalas ni direk Efren Reyes Jr.

 

ACTRESS

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with