Pero ba’t daw ang mga Labubu tanggap...
May hugot si Rita Avila sa massive Labubu craze sa mga celebrity.
As in level na nga ng parang status symbol ang pagkakaroon ng Labubu or pangongolekta nito na nabibili sa Pop Mart store na officially ay magbubukas sa publiko sa bansa ngayong araw.
Nauna na itong nagkaroon ng ribbon cutting kung saan si Marian Rivera ang isa sa mga nagbukas nito.
Kahapon ay bumisita na rin si Heart Evangelista.
At hindi lang sila ang collector, andami na talaga. Na kinaaliwan ng iba. Tulad nina Anne Curtis, Kathryn Bernardo among others.
Pero ang versatile actress na si Rita noon pa nag-aalaga ng mga doll, hindi nga lang Labubu. At aware siya na kung anu-ano ang pang-aalipusta sa ginagawa niya. Kinokonek pa sa kanyang mental health state.
Kaya post niya “Dahil uso ang labubu dolls ngayon, normal ang mga meron nito, bata o matanda. Tanggap ng society. Binibihisan din sila.
“Pero ung mga adults na may dolls noon, hindi normal sa paningin ng iba kasi hindi uso.
“Sa Pilipinas lang talaga mahilig gumawa ng mga kwento. Pag konti lang ang gumagawa: abnormal o baliw agad.
“Well, cla Mimay, Popoy at Pony namin ay mga karakters na sa apat na librong pambata. May nadulot na saya at aral sa atin. Di sila basta basta dolls lang,” bahagi ng post ni Rita.
Hindi nga nagkaanak sina Rita at mister niyang si Direk FM Reyes kaya’t mga manika ang itinuring nilang anak. Namatay ang isang anak nila sana.
Pero kagaya ng sabi ni Rita, kung anu-anong bintang sa kanya maging sa kanyang asawa.
Hanggang nakapagsulat pa siya ng libro. “Magbasa na ng THE INVISIBLE WINGS. Dali na, bumili na sa ibat-ibang branches ng ST. PAULS BOOKSTORE nationwide.”
Andami namang nag-agree kay Rita na tinawag-tawag nga siyang weird dahil sa pag-aalaga ng mga manika pero ngayon tuwang-tuwa ang marami sa pangongolekta ng mga monster toy.