^

PSN Showbiz

Francine,prioridad ang respeto

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Muling pumirma ng kontrata si Francine Diaz sa ABS-CBN.

Lubos ang pasasalamat ng dating child star dahil sa patuloy na pag-aalaga sa kanyang career ng Star Magic. “I still remember the day na sinabi sa akin na ipapasok ako sa Star Magic. Tanda ko na elementary pa ako no’n and katatapos lang ng high school ko. Para sa akin, ‘yung araw na kinuha ako ng Star Magic, ‘yung araw din na nagkaroon ako ng maraming opportunities na nagbigay sa akin na matulong ko sa pamilya ko and hindi ko rin in-expect na kaya ko pala mag-inspire ng ibang tao. Star Magic, they helped me to achieve my dreams and the dreams that I have for my family,” paglalahad ni Francine.

Para sa dalaga ay malaking bahagi ng kanyang pagkatao ay natutunan niya sa pagiging isang Kapamilya star. Naging marespeto si Francine dahil na rin sa nakakatrabaho sa mga proyekto.  “Maging marespeto kahit saan ka dalhin, maniwala ka sa sarili mo, never give up. Pero ang pinakaimportante talaga doon ngayon na mas na-realize ko, ‘yung respeto sa lahat nang nakakasalamuha mo. Kasi I believe ‘yung kindness na ‘yon, ‘yung pagiging respectful mo ang magdadala sa iyo sa taas,” pagbabahagi ng aktres.

Rayver, ‘di nagmamadaling pakasal

Laking-gulat ni Julie Anne San Jose nang alukin upang maging Calendar Girl 2025 para sa isang kUmpanya ng alak. Ayon sa aktres ay talagang hindi niya kayang palampasin ang ganitong oportunidad na dumating sa kanyang karera. “Na-surprise din ako. Para siyang naging ano sa akin eh, rebirth as a woman. Kumbaga, this is a new chapter of my life din and welcoming new blessings, welcoming new opportunities and I’m very, very excited and looking forward sa mga mangyayari pa,” naka­ngiting pahayag ni Julie Anne sa GMA News.

Isang malaking karangalan para sa dalaga na mapili at mapahanay sa Calendar Girls sa mga nakalipas na dekada. Ilan sa Kapuso actresses na naging Calendar Girl ay sina Marian Rivera, Solenn Heussaff at Sanya Lopez.

Mahigit dalawang taon nang magkasintahan sina Julie Anne at Rayver Cruz.

Suportado raw ng aktor ang pagpapaseksi ng dalaga sa kalendaryo. Napababalitang nalalapit na raw magpasakal ang magkasintahan dahil sa naging desisyon ni Julie Anne. “Siguro darating naman tayo sa point na ‘yan. Right now, I’m not really rushing into anything. Siguro I am still enjoying, we are, enjoy kami ni Ray. Rayver has always been so supportive sa lahat ng mga decisions ko. Excited nga siya na magkaroon ng physical copy ng calendar. Kasi gusto raw niyang ipaskil sa kanyang kwarto,” nakangiting pagtatapos ng dalaga.  (Reports from JCC)

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with