Mariel, tanggap na pwede pang pakasal sa apat na babae si Robin
Hindi raw big deal kay Mariel Padilla na maaari pang magpakasal ang mister na si Sen. Robin Padilla sa apat na babae dahil sa pagiging Muslim nito.
Ikinuwento niya sa Fast Talk with Boy Abunda na meron daw mga ‘untouchable’ o ‘di niya maaaring pakialaman sa mister na tanggap naman niya, pero meron daw siyang inilatag na kondisyon noong una pa lang silang maging magkarelasyon.
Nilinaw rin daw noon ng tatay ni Kylie Padilla na ang mga hindi raw niya pwedeng pakialaman ay ang Mindanao at mga anak nito, na never daw niyang ginalaw.
Pero siya raw ay naging malinaw rin sa kanyang kondisyon na – siya lang at wala nang iba.
Sumang-ayon naman ito at hanggang ngayon daw ay tinutupad pa rin ng senador na dating aktor ang pangako nito.
Sobrang saya raw ng TV host at kuntento at ito raw ang isa sa best times sa buhay niya. Bongga.
‘Acceptance’
Ewan ko kung dahil sa sakit ko o dahil sa edad kaya lately melancholic ako.
Wala naman akong dapat ikalungkot pero ewan ko ba kung bakit parang ang baba lagi ng energy ko.
Talagang kahit wala naman akong nakikita na makakapagpalungkot sa akin para bang buong araw feeling sad ako.
Siguro nga dahil mababa lang energy ko. Nanonood na nga ako ng masasayang palabas, nagbabasa ako ng funny stories pero ganun pa rin, hindi ko pa rin maramdaman ‘yung happy feeling. Panay nga ang dasal ko na sana whatever matanggap ko nang buong puso.
Ngayon ko talaga nakita na anuman ang nangyayari sa buhay natin talagang sinadya at si God ang nagplano.
Kaya nga anuman ang dumating dapat nating tanggapin.
- Latest