Mahaba at detalyado ang reaction ng kampo ng dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz sa desisyong iakyat na sa korte ang kasong Rape Through Sexual Assault at Acts of Lasciviousness na isinampa ni Sandro Muhlach.
Ipinadala sa amin ni Atty. Maggie Abraham Garduque ang statement na inisa-isa at idinetalye niya ang reaksyon nito sa resolution ng DOJ.
Marami siyang puntos na ipinaliwanag, kaya sa bandang huli ng statement nito, sinabi niyang iaapela nila ito.
Aniya, “Jojo (Nones) and Richard (Cruz) are disappointed with the resolution. For them the grounds laid do not support the findings.
“Hence, we will appeal this resolution. We might also file motions to quash the informations filed in court.”
Ang abogado nilang si Atty. Maggie Abraham-Garduque ang humaharap sa media para sagutin ang aming mga katanungan.
Kaya lang, si Atty. Maggie rin ang nag-represent kay Rita Daniela na siya namang nagsampa ng reklamong Acts of Lasciviousness laban kay Archie Alemania.
Inabot ngayon ng bashing si Atty. Maggie, na kinukuwestiyon kung kanino ba talaga siya kumakampi. Sa nabiktima ng panghahalay o iyong humahalay?
Ayaw na sanang patulan ni Atty. Maggie ang ganung bashing, pero pinilit naming magpaliwanag at dapat na ilabas din ang kanyang panig. “I’m just doing my job kuya,” pakli ni Atty. Maggie.
Pero ang sabi pa niya, “If a person comes to me saying that he/she is a victim, I will assess the facts and his/her evidence. If I believe that he/she is telling the truth, I’ll accept the case.”
Tinitingnan din daw muna niya kung talaga bang nagsasabi ito ng totoo. “If I believe that he/she has a valid defense, then I’ll accept the case.
“At the end of the day, we lawyers are not judges. It is our job to protect every person’s right kahit victim or accused pa siya. Both party has his/her respective rights,” dagdag niyang pahayag.
Sa ngayon ay siya muna ang magsasalita para kina Nones at Cruz na inakusahan ng rape at acts of lasciviousness, at siya rin ang nagsasalita para kay Rita na biktima umano ng acts of lasciviousness.
Julie Anne, lumebel kina Marian at Anne!
Hindi na sinagot ni Julie Anne San Jose nang ipinarating namin sa kanya na tinapatan ng kalendaryo ni Kim Chiu para sa Tanduay ang pagiging calendar girl naman niya ng Ginebra San Miguel.
Sabi naman ng ilang taong malapit sa Limitless Star, ayaw naman daw nitong gawing isyu pa ang tapatan ng calendar nila.
Tiyak naman daw na masaya si Kim na siya ang pinili at napagkatiwalaang mag-endorse ng naturang produkto.
Happy lang daw si Julie Anne dahil ang daming masaya at proud sa napakagandang pictorial niya bilang calendar girl ng Ginebra.
Pero hindi naman daw ito senyales para pasukin ang pagpapa-sexy.
No talaga si Julie Anne sa sexy roles.
“It’s something na hindi na kailangan pag-isipan pa because it’s a huge opportunity. I haven’t done anything like this before, so I want to try something different. I want to show a different side of Julie – one who’s stronger and more confident in her own skin.
“I’m proud dahil napili po ako, along with past Ginebra calendar girls like Marian Rivera and Anne Curtis. They are exceptional women in their own right,” sabi pa ni Julie Anne San Jose.