Marvin, magpapaka-trans sa pelikula?!

JolinaMagdangal at Marvin Agustin.
STAR/ File

Sa isang huntahan ng entertainment wri­ters, napag-usapan na magkakaroon ng isang Marvin Agustin-Jolina Magdangal comeback and reunion film project daw ang Project 8 at Cornerstone? With mat­ching Juan Karlos pa at Loisa Andalio pa!

Interesting kung paano imamaniobra ng produksyon ang ang ganitong pagpapakilig gayung kita naman ng mga tao kung paano naging mas malambot pa sa achuchuchu ni Jolina si Marvin all these years, pagkatapos matsismis kung kani-kaninong pangalan.

May nagsabi pa sa isang umpukan na, malay mo nga naman baka may twist at pumayag si Marvin sa papel na transgender, ‘di ba? Interesting, ‘di ba?

Pakikiramay kay Ma’am Jo

Nakikidalamhati kami sa pagpanaw ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa editor-in-chief na si Ma’am Jo Abelgas, na asawa ng kilalang broadcaster na si Sir Gus Abelgas.

Kakaiba ring maglaro ang tadhana, ‘di ba? Kasagsagan ng Undas break yumao si Ma’am Jo, at hindi na aktibo si Sir Gus sa mga kuwentong kababalaghan?

Kung anuman ang mensahe ni Ma’am Jo sa kanyang pagpanaw ay nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga taong iginugol niya sa pagiging editor ng PSN at PM.

Condolences po sa mga kaanak at kaibigan ni Ma’am Jo!

Jayda, ginawang panakot si Jessa!

Nakakatuwa at nakakatawa lang ang paggaya kay Jessa Zaragoza ng kanyang anak na si Jayda bilang Halloween look, ‘di ba?

Tanong ng mga accla, kailan pa naging pang-Hallo­ween si Jessa ba? Hahaha!

O baka ‘yung boses niya kasi na parang distorted version ng normal na tao ang pang-Halloween?

Can someone explain, paano naging pang-Hallo­ween ang nanay mong si Jessa, ha, Jayda? Parang ‘di ko yata kaya… Hehehe

Julius at Bernadette, naungusan na nina atom at christian!

Sa pagkakadakip ng dating aktor na si John Wayne Sace, dalawang naunang interviews ni John Wayne ang binalikan – kay Julius Babao at kay Bernadette Sembrano.

Ito na ba ngayon ang kinahihinatnan ng ating newsrea­ders? Isinuko na ba nila ang kanilang pagiging hard-hitting journalists sa ngalan ng likes sa bagong medium na social media?

Sayang ‘no, naungusan na sila ng mga mas bata pa sa kanilang journalists tulad nina Christian Esguerra at Atom Araullo na hindi nag-sell-out at nag-self-promotion.

Streetboys, palalabasin ang nagtandaang fans!

Paano kaya gagawin at tatanggapin ang isang Streetboys Reunion concert?

Sa darating na Nov. 8 sa New Frontier Theater, ire-reconfigure kaya nila ang venue para makasayaw rin ang tao at magmukhang isang malaking dance floor ang New Frontier theater?

Exciting ito at makikita natin kung magsisilabasan ang mga nagtandaan na ring fans ng Streetboys!

Nakakataquote:

Max, nilinaw ang relasyon kay Pancho!

“We’re grateful for the kind words people have shared about how we handled our separation, and we’re happy we’ve remained friends. Co-parenting has worked well for us because we operate as a team, always prioritizing what’s best for Skye.

“We try to make Skye feel he’s loved, like he’s not lacking. Buo pa rin siya kahit hiwalay kami. Something we’ve learned to navigate is, when hindi muna kami (dapat) mag-usap, hindi muna kami mag-uusap. We give each other space.” – Max Collins talks about their co-parenting at kung paano nila inayos ang pagkakaibigan nila ni Pancho Magno para sa kanilang anak

Show comments