Pokwang, abala na ulit sa pagtitinda
Nakakabilib ang sipag ni Pokwang dahil kahit maganda na ang kita niya sa showbiz, binalikan pa rin ang pagbebenta online ng kanyang bottled food business.
Bago na ang pangalan ng negosyo ni Powang, @mamapokwangs_gourmet.
Pinost niya ang tuyo, tinapa, laing, ube halaya, aligue, suka, at callos na puwedeng orderin sa kanya. Ang daming nag-o-order at waiting na ang customers ni Pokwang sa pagbabalik ng kanyang Pokwang’s roasted chicken.
“Busy ang mamang daming order salamat po,” sabi niya.
Ang maganda, same day delivery ang nag-o-order sa kanya from Metro Manila at may reseller daw siya sa Cavite.
Ang daming Pinoy na nasa abroad ang gustong mag-order, kaya lang, hindi pa available at nilalakad pa lang daw ni Pokwang. Kapag nagtuluy-tuloy ang pagiging in-demand ng produkto niya, baka dumating ang panahon na makapagpatayo na siya ng restaurant na matagal na nitong pangarap.
Nakakatuwa pa na pati ang anak ni Pokwang na si Malia, nahihilig ding magluto. Nagluto ito ng seafood lumpia at pansit, at sigurado siyang masarap ang kanyang niluto. Nagluluto sila ni Pokwang sa kanilang YouTube channel at mag-iisip ka kung pinapanood ba ni Lee O’Brian ang YT channel ng anak para lang maging updated siya.
Dubai-based pinoy designer, umpisa na bilang miss u judge!
Nagpasalamat ang Dubai-based Filipino designer na si Michael Cinco sa pagkakapili sa kanya na maging isa sa judge sa gaganaping 73rd Miss Universe.
Sabi nito, “My Miss Universe journey began by dressing the extraordinary women who wore the crown – each one embodying beauty, strength, and purpose. Today, I’m honored to take on a new role in this journey, helping to select the next inspiring queen.”
Makakasama ni Michael bilang judges ang producer na sina producer Emilio Estefan, digital entertainment star Lele Pons, artist Romero Britto, Miss Universe 1978 Margaret Gardiner, entrepreneur Gianluca Vacchi, host Jessica Carillo, and designer Eva Cavalli.
Gaganapin ang 73rd Miss Universe sa Mexico sa Nov. 16 (mapapanood sa Pilipinas sa Nov. 17). Si Miss Universe Philippines Chelsea Manalo ang panlaban ng Pilipinas.
- Latest