Rhian at Michelle, waging kalokalike nina Taylor at Beyonce

Rhian Ramos
STAR/File

Benta sa social media ang Halloween paandar ng magkaibigang Rhian Ramos and Michelle Dee.

Si Rhian, naging copycat si Taylor Swift habang si Michelle Dee si Beyonce.

Andami talagang napa-wow lalo na dun sa reel video ni Rhian na pinapakita ang transformation niya na aniya ay hindi madali.

Sabi niya sa caption: “Big thanks to every member of the team for bringing their A game for queen Taylor. you have no idea how much thought each person put into this shoot! We had so much fun fangirling the whole time”

In all fairness, mananalo siyang kalokalike sa It’s Showtime kung sumali ang actress.

Na-happy naman ang Swiftie sa ginawa ni Rhian.

Winner din si Michelle as Deeyonce. Effort talaga sa hair pa lang at pati mga liyad pose ni Beyonce, nakopya niya.

Like Rhian, kung sumali rin si Michelle sa Kalokalike, winner din siya.

Panalo rin ang outfit ng magkapatid na Toni and Alex Gonzaga na Wicked.

Actually, marami ngang celebrity ang naging busy sa kani-kanilang Halloween outfit para sa social media platforms nila.

Show comments