Balota, third week na sa mga sinehan!

Marian Rivera
STAR/File

Kung ang ibang pelikula ay first day last day sa mga sinehan, patungo na sa ikatlong linggo ang pagpapalabas ng Balota ni Marian Rivera under GMA Pictures at GMA Entertainment Group dahil matibay pa rin ito sa takilya!

Marami pa rin kasi ang pumipila para mapanood ang obra ni Direk Kip Oebanda kung saan kabi-kabila rin ang sold-out screenings.

Nakakatuwa rin na maraming guro at mag-aaral ang sumusugod sa sinehan upang mapanood ito at nagiging topic pa ito sa mga discussion sa klase.

Dapat naman talaga! Marami kasing matututunan sa pelikula tungkol sa demokrasya at eleksyon.

Bukod pa rito, maraming grupo ng guro ang nagsasabing sa pamamagitan daw ng pelikula ay nabibigyang-pansin ang sakripisyo nila tuwing eleksyon. Isa rin itong paalala kung gaano kahirap ang pinagdaraanan ng ating mga guro mapangalagaan lang nila ang ating boto.

Pero isa rin sa pinakamagandang nagawa ng Balota ay ang pasiglahin pang lalo muli ang local film industry na batid naman nating hirap pa rin maki­pagsabayan sa Hollywood films.

Show comments