Proud boyfie si Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose na inilunsad na Ginebra San Miguel Calendar Girl 2025.
Sa ika-190 anibersaryo ng flagship brand nito, ang Ginebra San Miguel, pinangalanan nga ang Asia’s Limitless Star bilang 2025 at 34th Ginebra San Miguel Calendar Girl.
Kung paanong nalampasan ng Ginebra San Miguel ang pagbabago ng panahon at nanatiling may kaugnayan sa mga mamimili, Julie Anne has continuously reinvented herself for her fans since 2005 by staying true to her artistic vision while thriving in a competitive industry with her passion and “never-say-die” spirit.
“Her dedication to her craft and resilience in the industry mirrors Ginebra San Miguel’s 190-year legacy of excellence, making her the perfect choice for our next Calendar Girl,” ayon sa GSMI Marketing Manager na si Ron Molina.
Sa Obra Maestra (Masterpiece) bilang tema para sa 2025 na mga kalendaryo, binibigyang-buhay ng multi-awarded singer ang anim na visual compositions, na lumilikha ng nakamamanghang koleksyon ng mga walang hanggang obra maestra na tinapatan niya ng iba’t ibang production number sa ginanap na press launching nito.
“For 190 years, Ginebra San Miguel has crafted masterpieces in every bottle, offering only the finest in distilled spirits. Our next calendar continues to uphold GSMI’s heritage of excellence with a tribute to classic art, reflecting the same dedication to quality craftsmanship that has made our gin popular and loved by many since 1834,” Mr. Molina added.
Mula sa pagiging kontesera ng maraming singing contest, naging poste siya ng musical and variety shows ng GMA 7, sa kasalukuyan si Julie Anne ay judge ng The Voice Kids Philippines at host of singing competition na The Clash.
Anyway, sa unang layout ng kalendaryo, kinakatawan niya ang tapang at determinasyon ng isang walang takot na Pilipina na handang harapin ang anumang hamon.
Nakasuot ng puti, inilalarawan ng pangalawang layout si Julie Anne bilang “Galatea,” ang iskultura ni Pygmalion ng kanyang ideal na babae na binigyang buhay ni Aphrodite.
Nagtatampok ang ikatlong layout ng Grape Escape cocktail mix, “Paris Opera Terpsichore,” na nagpapakita sa Kapuso star bilang muse ng liriko, tula, at sayaw.
Sa ikaapat na layout, si Julie Anne ay inilalarawan bilang “Diana,” ang mangangaso, na sumisimbolo ng kalayaan at lakas.
Sa ikalima at ikaanim na layout, isinasama ni Julie Anne ang walang hanggang kagandahan ng “The Birth of Venus” at “La Grande Odalisque.”
Sumasagisag sa kagandahan, biyaya, at kalidad, ang mga iconic na painting na ito ay nag-aanyaya sa mga mamimili na tikman ang pinong lasa ng GSM Premium Gin at Antonov Vodka, ayon sa pagkakabanggit.
Kaya naman nang i-post ito ni Julie Anne, sumagot kaagad si Rayver ng “Isa kang obra maestra. congrats my love super proud of you!.”