Anne, nakikihati rin sa laruan ni Dahlia!

Anne Curtis
STAR/File

Nangongolekta na rin ang It’s Showtime host na si Anne Curtis ng mga cute Pop Mart figures.

Kakaloka Ipinost niya ang video ng kanyang pag-unbox sa kanyang collection ng collaboration ng Mega Space Molly 400% at Sanrio.

Kasama roon ang mga Molly figure ng Pop Mart gaya ng Pompompurin, Cinnamoroll, Kuromi, My Melody, Pochacco, at Hello Kitty.

“The little Sanrio girl is in me is literally screaming her (heart emoji) out! It was instant love the moment I laid my eyes on the Mega Space Molly x Sanrio collection” bahagi ng caption niya na halatang sobrang excited sa kanyang mga bagong laruan.

Kulang pa nga raw ang collection niya ng Kuromi na hahanapin daw talaga niya.

Aliw nga ang komento na masaya si big Dahlia na ang tinutukoy ay siya na big version ng anak na si Dahlia Amelie.

Sagot naman ng misis ni Erwan Heussaff ay share raw silang mag-ina sa babies nila. Pero doble ingat daw sila sa paglalaro sa mga ito.

Marami ngang fan ng Sanrio ang naka-relate na mas gugustuhin daw nilang mangolek­ta nito kesa sa nauusong Labubu dolls na kinaaadikan ng maraming celebrities.

Maaalalang isa si Marian Rivera sa nagte-trending sa pangongolekta ng kanyang Mega Space Molly at Skull Panda figures na galing din sa Pop Mart, at pati na rin sila Heart Evangelista.

Hindi ko in-expect na maraming maloloka sa mga ganitong mga laruan ha. Imagine ang mamahal daw niyan.

Bongga.

Marian at Sixto, nakisali sa disco!

Sobrang cute ng dance partner ni Marian Rivera – si Sixto – sa latest TikTok video niya.

Hindi nga nagpahuli ang mag-ina at nakisali sa trending na TikTok dance na Disco kung saan sabay na magsasayaw ang mag-partner.

“Aba sali kami ng anak ko sa trend na ito,” caption ng misis ni Dingdong Dantes.

Nakangiti at humahagikgik ang mag-ina habang nagsasayaw at pati nga ang mga nanonood ay hindi rin mapigilang mapangiti.

Namamangha naman ang netizens sa kaguwapuhan ni Sixto na nakakalusaw raw ng puso habang pinanonood nila.

Bongga.

Show comments