^

PSN Showbiz

Programa, kaliwa’t kanan na Korina, parang naghahabol ng oras

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Ano kaya ang gustong ma-achieve ni Madame Korina Sanchez sa kanyang buhay bilang broadcaster? Is she making up for lost time?

Bakit parang tumotodo siya sa exposure sa TV like a daily newscast in Bilyonaryo TV, tapos may Rated Korina pa siya, may Korina Interviews sa Net 25 at heto magkakaroon pa ng Face To Face sa TV5? May TikTalks pa nga at may prino-produce pang Good Will for David Chua sa Net25?

Ikinataas niya ba ng stature ang mga ito mala-Jessica Soho sa news o Charo Santos sa entertainment? Hindi ba ‘yun dapat ang level ng isang Korina Sanchez? Bakit parang maghahabol siya sa rami ng exposure ngayong hindi na masyadong uso ang telebisyon?

Julie Anne, ga-graduate na sa pagiging pa-sweet?!

Ginebra Calendar girl na Julie Anne San Jose. At least may premium endorsement na siya.

Pero ang tanong, handa na ba siya sa pagbabagong imahe na kaakibat nito? Wala na nga ba ang sobrang pa-sweet na Julie Anne tulad ng nakikita natin sa All-Out Sundays? Palaban na rin ba siya at hindi na nagpapaka-safe sa pagsagot sa interviews?

Ano kaya ang repercussion nito sa batang fans ni Julie na lumaki with her? Mas magiging sexy at revealing at bold ang moves ni Julie Anne after?

Sa totoo lang, sa itsura ni Julie Anne sa kalendaryo, mas pinag­nasahan ba siya? Or parang batang pa-sweet na hinubaran?

Stand ng Kapuso, hinihintay pa

Ano kaya ang stand ng GMA7 kay Archie Alemania sa ginawa nito kay Rita Daniela? May safeguards na kaya ang Sparkle artists sa kanilang papasuking mga eksena – kahit pa nga socials – kasi hindi nakaka-Sparkle ang sinapit at kinasangkutan ni Rita ha!

Actually, nakakai-Rita!

Legal counsel ni Sandro, may apela

Ngayong naiakyat na sa korte ang kaso ni Sandro Muhlach at ng dalawang independent contractors ng GMA, ang tanong ng Puno Law na legal counsel ni Sandro at ng mga tagasubaybay, ano na ang resulta ng independent investigation ng GMA?

Tanong ng legal counsel, “We trust that GMA Network, Inc. will honor its commitment that the investigation against Mr. Nones and Mr. Cruz is being conducted with the ‘highest standards of fairness and impartiality’. If no less than the Department of Justice found that Mr. Nones and Mr. Cruz committed the crimes of rape through sexual assault and acts of la­sciviousness against Sandro, with more reason should GMA remove Mr. Nones and Mr. Cruz from the GMA workplace in order to maintain a safe and respectful environment for its artists.”

Magtitiyap-tiyap kaya ang findings ng mga imbestigasyon dito? At makakaapekto kaya ang resulta ng imbestigasyon sa isinampang kaso sa korte? Abangan!

Nakakataquote:

Carlos at Chloe, binagayan ng Chucky at Bride!

“BRIDE OF CHUCKY”

Two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo and his girlfriend Chloe San Jose dressed up as Chucky and his bride at the Shake, Rattle and Ball 2024 on Wednesday. Ang sabi ng netizen –“Nailed it!” May isa pang nagsabi, “Glad you found your characters. They suit you.”

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with