MANILA, Philippines — Walang mintis ang pag-alala ng aktres na si Lorna Tolentino sa yumaong asawang aktor na si Rudy Fernandez kahit mahigit na isang dekada na siyang pumanaw.
Ipinakita ni LT ang pagmamahal sa asawa nang ipakita ang bulaklak sa may sinding kandila sa puntod nito.
Ipinadama ni LT at pagkaulila sa asawa ilang araw bago ang All Saints’ Day ngayon.
Of course, hanggang ngayon eh nasa puso pa rin ni Lorna si Daboy.
Anyway, soon eh mapapanood si Lorna sa Metro Manila Film Festival movie na Espantaho kung saan first time nilang magkasama ni Judy Ann Santos. Si Chito Roño ang director ng movie na nagdirek kay LT sa remake ng Patayin Sa Sindak si Barbara.
Mga alaga ni Kathryn, 20 mil din ang halaga
Almost P20K pala ang halaga ng isang Zimomo Labubu doll. Eh dalawa ang ipi-nost ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram na meron siya. Kaya almost P40K bale ang dalawa, huh!
Mas malaki lang ang Zimomo kumpara sa maliit na Labubu. Bale parang nanay ang mga ito habang anak ang Labubu.
May tawag nga si Kathryn sa dalawa – Angel in the Clouds at I Found You!
Pero tiyak, bigay lang ‘yun kay Kathryn para i-post niya ng ganun noh.