^

PSN Showbiz

SB19, dinagsa ng 150,000 sa Bacolod Masskaravan

Pilipino Star Ngayon
SB19, dinagsa ng 150,000 sa Bacolod Masskaravan
SB19

MANILA, Philippines — Sama-samang dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19 ang panalo spirit sa Puregold Sari-sari Store MassKaravan at Concert sa Bacolod.

Ang pagdiriwang na ito ay dinala mismo ng Puregold sa MassKara Festival na idinaraos taun-taon at dinarayo ng libu-libong mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Mahigit 150,000 ang dumalo upang makisaya sa Puregold at sa mga bigating musikerong bisita.

Mas pinatingkad din nito ang mga kulay at maligayang awra sa taunang pista. Ipinagdiwang sa Bacolod City Government Center, naengganyong dumalo ang mga loyalistang miyembro ng Puregold at mga tagasubaybay ng lokal na musika, na pumunta sa konsiyerto upang mapanood ang mahusay na performance nina Skusta at Flow G, at ng SB19. Natunghayan din ng mga nanood ang pagtatanghal ng mga nagbukas ng konsiyerto, sina Project Juan at Esay.

Kitang-kita sa mga tagapanood ang kanilang pagkamangha at saya sa panonood ng kanilang mga paboritong musikero sa Bacolod City Government Center.

Habang bukas sa publiko ang konsiyerto, may bentahe ang mga miyembro ng Puregold sa kapana-panabik na kaganapan. Mayroong mga VIP at VVIP na tiket na binenta sa mga piling Puregold store sa Bacolod at Iloilo noong Oktubre 5, na paraan ng Puregold na pasalamatan ang mga araw-araw na suki at mabigyan sila ng magandang karanasan sa konsiyerto.

Dagdag pa rito, marami ring masuwerteng nanalo ng mga VIP pass na ipinamigay ng mga partner brand nito, na mayroong mga booth sa pinagdausan ng konsiyerto. Marami ring mga giveway ang nag-abang sa Perks at Aling Puring members.

Ang unang 2,000 na nagrehistro sa konsiyerto ay nakapag-uwi ng libreng loot bag na naglalaman ng mga grocery item na nagkakahalagang P300.

Sa masayang musika, mga giveaway at promo, naramdaman talaga ng mga dumalo sa Puregold Sari-Sari Store MassKaravan at Concert ang selebrasyong Pinoy. Ang mga kuwentong panalo ng mga musikero, mga tagasubaybay, at ang Puregold mismo ay nagsama-sama at lumikha ng gabing maaalala ng lahat.

SB19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with