Ngalngal-kabayo si Ice Seguerra sa kantang Salamin, Salamin ng BINI. Ito ang inamin niya sa tanong kung anong OPM song ang pinakamahirap kantahin.
Ito ‘yung sa last concert niya na Ice Seguerra Videoke Hits na magkakaroon ng OPM Edition this Nov. 8, same venue, Music Museum. “Dito sa show na to? Masasabi kong nahirapan ako kasi ngalngal-kabayo na ako nung time na dumating ‘yun. Napagod ako dun sa Salamin. Salamin, salamin,” aniya sa isang intimate interview.
“Medley siya ng Gento saka Salamin, Salamin. So, cinareer ko super-duper ‘yung Gento kasi, oh SB19. Tapos feel na feel ko ‘yung pagkanta ko. Ito na pagdating ng Salamin, Salamin. Hala, hindi ko na-anticipate ‘yung pagod. Buti nalang may back-up dancers at saka back-up vocalists. Ngalngal-kabayo talaga ako. Hindi ko na siya makanta nang maayos. So, I really have to pace myself. Lagi ko naman dala ‘yung gamot ko eh so, anytime naman kailangan ko, madali na,” pag-amin niya.
Naganap nga ito na halos birthday niya na karaniwan palang ayaw niyang nagtatrabaho.
“Alam mo ‘yung may mga ganung kailangang iwasan eh. Pero, finally, nung ginawa nga namin ‘yun, sobrang saya. Kasi parang, andaming naki-birthday sa akin. Alam mo ‘yun? Tapos, nakakatuwa kasi talagang ang bilis lang naubos ‘yung ticket. Sobrang nagulat din kami na... Siguro parang, oh, birthday gift natin kay Ice, ito. Alam mo ‘yun?
“Tapos, iba ‘yung energy. Iba ‘yung energy nung night na ‘yun. Talagang... again, hindi ko na naman nararamdaman na tatlong oras na pala. Alam mo ‘yun?
“Tapos ayun nga, binigyan na ako ng asawa ko finally ng motor. Sabi ko nga sa kanya eh, alam mo ba, love? Ikaw, lang talaga nagpatotoo ng pangarap ko. Kasi bata pa lang ako, pangarap ko na ‘yan,” mahabang kuwento pa ni Ice na mas choice raw talaga niya ang mas maliit na venue tulad ng Music Museum.
At bilang isang OPM icon, ano pang dream project niya? “Ako? siguro ang dream ko, honestly, more than ako ‘yung mag-perform, dream ko ma-direct ‘yung mga idol ko.”
Like sino itong mga ito?
“Syempre Gary V., si Regine (Velasquez), gusto ko siya ma-direct, kuya Martin (Nievera). May mga pinag-uusapan kami ni Liza (Diño) na parang mga concept na ‘yung mga naipresenta niya, we’re really interested to do it. Gusto ko rin makapag-direct ng play,” sagot niya sa amin.
So mga kailan ito, Direk? “Hindi ko alam. Let’s see. Kasi syempre, ngayong may company na (Fire and Ice) talagang doble kayod lalo eh.
“Full blast talaga.”
What about movies? Hindi mo type mag-direct ng ganon?
“May plan kami. So actually, meron na kaming project. May treatment na kami and everything. It’s called Trans Fatherhood. Yes, so it’s a story about... basically, it’s our story (nilang mag-asawa). It’s a story about this person who’s going through transition at the same time, finding how it is to be in a designated father role.”
So ikaw magdi-direct, ikaw rin bida? Or may kukunin kang artista?
“Sana hindi ako ‘yung artista. Because I really wanna experience directing it lang.”
Pero sinong choice mo, if ever na bibida?
“Gusto namin si Elliot Page.”
So parang ang target nito, hindi local?
“Yeah. So right now, si Liza actually, she presented. Kasi ‘yung last... she presented our project. And I think may mga interested na mga co-producer. We just have to really develop kasi may treatment na kami.”
Wow! Kailan ito, mga next year?
“If we get enough, hindi pa ito next year, definitely. Kasi we need to present a short presentation, para lang makita rin nung mga possible investors ‘yung magiging look, ‘yung visual treatment nung film. So we might do that first.”
Anyway, bukod sa concert, pinagkakaabalahan din ni Ice ngayon ang kanyang bagong motor na dahil ‘di pa siya magaling at sumemplang kamakailan ay bahay-office raw muna na naka-full gear pa siya na ang layo ay puwede niyang lakarin.
Kaya nga natatawa talaga dahil ‘yun daw ang pramis niya sa misis.
At ‘yun nga, sumemplang pa siya.
Pero sabi niya, nagsisimula na siyang mag-training sa Rizal dahil kailangan din niyang magpalakas ng loob.
“‘Pag medyo confident na ako saka ako pupunta sa kabilang kanto,” tawa pa niya
Kita-kits sa Ice Seguerra Videoke Hits: OPM Edition sa darating na Nov. 8! Pwedeng i-text ang 09177003262 para sa tickerts or get them through TicketWorld.