Si Julie Anne San Jose ang Ginebra San Miguel Calendar Girl for 2025.
Yup, kahapon nga ay nakasama na siya sa hanay nina Marian Rivera, Anne Curtis, Angelica Panganiban at marami pang iba na laging inaabangan.
Talagang dire-diretso ang magandang takbo ng career ni Julie Anne.
Never say die lalo na sa career niya.
Recently lang ay naalala nga niya na muntik na siyang sumuko sa showbiz.
Teenager lang siya noong nabalitaan niyang may audition sa isang mall kung saan sila namamasyal kasama ang kanyang pamilya.
Wala siyang plano na mag-audition pero sumubok siya. Luckily, nakatanggap siya ng callback.
Pero aniya iba ang proseso noon kesa ngayon. “Kasi nakapasok ako ng screening, hanggang sa nagtuluy-tuloy na siya. Tapos every now and then, nagkakasakit ako palagi, hindi ko alam kung bakit. Siguro nai-stress ako, hindi ko alam kung ano ba,” flashback niyang kuwento sa amin kamakailan.