Nakakalungkot ang balitang pagkamatay ng businessman at salon owner na si David Charlton. Bakit? Nasa Turkey raw siya may tour kasama ang employees at pagkatapos ng lunch nag-wiwi raw at dun na inatake sa CR. Dead On Arrival na raw pagdating sa hospital.
Nakakabigla at nakakalungkot ‘di ba?
Ang lesson learned: i-enjoy na lang talaga ang buhay, at hindi talaga natin kontrolado kung paano magtatapos ito. Pawang magagandang alaala ang naiwan ni Sir David sa mga katrabaho nito.
Showbiz couple, flop sa abroad
Isang malaking lesson learned pala sa mga nagpo-produce ng shows abroad na hindi porke sikat sa Pilipinas ay kakagatin na sa isang concert abroad.
Ganyan ang nangyari sa isang showbiz couple na nag-concert tour abroad at balitang floppey ito sa mga kababayan natin abroad.
Marunong naman daw umawit ang dalawa pero major effort sila na mag-project dahil hindi naman talaga nila strength ang pag-perform. Nadala ang mga produ abroad at sinabing never again na silang maglalabas ng pera para sa dalawa.
Pero parang never again na rin natin silang makikita, dahil waley na rin naman sila. ‘Yun na!
Gumanap kay April Boy, ‘di kilala
Weno naman ngayon kung si John Arcenas ang gaganap na April ‘Boy’ Regino sa pelikulang IDOL: The April ‘Boy’ Regino Story – sino ba si John Arcenas? Bakit siya ang bida? Papasukin ba ang sine dahil sa kanya?
Malalaman natin ‘yan sa Nov. 27 kapag ipinalabas na ang pelikula sa theaters nationwide under the direction of Efren Reyes, Jr., produced by WaterPlus Productions.
Ano kayang gagawing pakulo ng pelikulang ito para maging interesado ang henerasyon ngayon kay April Boy Regino muli? Kasi man lang, sinamahan ng mga bigating artista ang mga baguhan bilang support at panghatak sa tao, ‘di ba?
Ang tanong, bakit kaya magtatapatan pa ang dalawang masasabi nating indie movie – ‘yung Idol at ang Huwag Mo Akong Iwan ng Bentria Productions?
Nakakataquote:
After kasuhan ng DOJ ng rape through sexual assault at acts of lasciviousness ang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz kaugnay ng pang-aabuso umano sa aktor na si Sandro Muhlach.
“God is good.”
– Niño Muhlach
“From pain to purpose, God’s guidance lights the way. Survivor, not victim.”
– Sandro Muhlach