Rita minanyak ni Archie Alemania, kinasuhan ng Acts of Lasciviousness

Rita Daniela at Archie Alemania

Lagare si Atty. Maggie Garduque sa mga kasong hinaharap nito ngayon.

Siya naman ang legal counsel ni Rita Daniela na nagsampa ng reklamong Acts of Lasciviousness laban kay Archie Alemania.

Isinumite ni Rita ang reklamong ito sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City na kung saan doon naninirahan ang Kapuso actress.

Ayon sa affidavit na isinumite ni Rita Daniela, nangyari raw ito sa nakaraang thanksgiving party na ginanap sa tahanan ni Bea Alonzo sa Quezon City, Sept. 9.

Past 12 midnight na raw dumating si Rita dahil dinala pa raw niya sa hospital ang kanyang ina, at galing pa siya sa taping ng All-Out Sundays.

Parang nakainom na raw si Archie pagdating niya at nag-comment pa raw ang komedyante ng “Naku, Rita huwag ka lumapit sa akin, napaka-FUCKABLE mo tonight ah!”

Hindi na raw siya naging komportable sa komentong ‘yun ni Archie. Pero nung pinag-duet daw sila ni Royce Cabrera, sumigaw raw si Archie daw ng “Brad tirahin mo na ‘yan! Tang-ina, Royce, tirahin mo na ‘yan!”

Hindi pa raw natapos doon ang ginawa ni Archie, may ginawa pa raw ito sa kanya nang hinatid siya ng bahay sa Bacoor.

Magga-Grab na raw sana siya pauwi, pero pumayag na raw siyang ihatid ni Archie nang inalok siyang maghatid dahil parang okay na raw ito.

Pero nang nasa sasakyan na raw sila, nagsi­mula na raw itong hawakan siya sa leeg at balikat na iniiwasan niya. At ang pinakamalala ay nung nasa bahay na raw sila, bago siya bumaba ay hu­mingi raw ng kiss sa kanya si Archie.

Pero pinilit daw siyang halikan na ang nakasaad sa affidavit nito, “However, this did not deter the Respondent (Archie Alemania), instead he forcibly got hold of my head and locked it with his grip and gave me a torrid kiss on the lips with his tongue out trying to put it inside my mouth.

“Feeling sexually violated, I pushed the Respondent with all my might while shouting at him to stop. I struggled se­veral times but he did not stop on brushing his lips on mine against my will.”

Bumulong pa raw si Archie sa kanya ng “Pa-boo­king naman sige na.”

Hindi pa raw umalis si Archie sa tapat ng bahay niya, kaya nag-text na raw siya sa aktor na umalis na siya dahil nakakaabala na raw ito sa kapitbahay, gawa ng nagtatahol na ang mga aso.

Kinabukasan ng hapon ay nag-text daw si Archie sa kanya na nag-sorry sa kanya dahil lasing lang ito.

Pero pinursige ni Rita na mag-file ng kaso laban kay Archie.

As of this writing ay hinihintay pa namin ang sagot ni Archie kaugnay sa reklamong ito ni Rita.

Humingi rin kami ng statement mula sa Sparkle na nagha-handle kay Rita, pero wala silang pinapadala.

Napag-alaman din naming wala na pala si Archie sa Widows’ War. Hindi lang namin alam kung itong insidenteng ito ang dahilan ng pagtanggal sa kanya sa naturang drama series.

Sandro vindicated... mga nanghalay, kinasuhan na ng DOJ!

Pormal nang kinasuhan ng Department of Justice ang dalawang independent contractors ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz, kaugnay sa reklamong idinulog ni Sandro Muhlach.

Kasong Rape Through Sexual Assault at Acts of Lasciviousness ang isinampa sa kanilang dalawa.

Sabi ng ilang napagtanungan namin, bailable naman daw ito under Paragraph 2 ng Republic Act No. 8353.

Hiningan namin ng reaction ang kampo ng dalawang independent contractors, pero wala pa raw silang natatanggap na resolution, sabi ng legal counsel nilang si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

Text niya sa akin, “We have not received a copy of the resolution yet. We will issue a statement as soon as we receive the copy and we have read the basis of the department in giving due course to the complaint.”

Ilang sandali lang, ini-repost ni Sandro ang ipinost na news update kaugnay dito.

Ni-repost din ng mga abogado ng akusado ang newsbreak na ito ng ABS-CBN, at ang caption naman niya roon ay “Healing and justice, God’s pre­sence surrounds me. Overcoming trauma, one day at a time.”

Nag-post din si Niño Muhlach sa kanyang Facebook account ng “God is good.”

As of press statement ay hinihingan din namin ng statement ang legal counsel ni Sandro Muhlach.

Samantala, wala pa kaming balita kung may show ba si Sandro sa GMA 7. Ano kaya ang plano sa kanila ng Kapuso network?

Sa ngayon ay parang abala lang siya sa billiard na kung saan nag-champion kamakailan lang si Niño sa Motivated Billiard League Season 1.

Show comments