Ang cute naman ni Elias na anak ni Ellen Adarna sa aktor na si John Lloyd Cruz na niregaluhan ng painting ang sister niya.
Ipinost ng misis ni Derek Ramsay ang litrato ng painting na Starry, Starry Night kung saan makikita rin si Elias na hawak ang painting na may caption na “‘Mama, i have a gift for my sister.’”
Na-touch nga ang kanyang mommy Ellen at tinawag itong “My sweet boy.”
Sey nga ng netizens ay mukhang namana raw nito sa daddy niyang si Lloydie ang interes sa art. May creative gene raw talaga ito.
Mukhang magiging mabait na kuya raw talaga ito dahil ngayon pa lang ay sweet at thoughtful na ito sa kanyang baby sister.
Napapaligiran daw kasi ito ng pagmamahal kaya punung-puno siya ng pagmamahal na maibabahagi niya sa kapatid. Kaya napuri sina Derek at Ellen sa pagpapalaki rito lalo na dalawa pa ang kanyang daddy.
Bongga.