Pagkatapos manganak ni Ellen Adarna, ngayon lang siya uli nagpakita ng full shot, dahil maliit na ang tiyan niya.
Ang bilis nang pagpayat niya na proud siyang ipinakitang maliit na ang tiyan, kaya naka-diaper pa siya.
Ipinost ng isang kaibigang malapit sa mag-asawang Ellen at Derek Ramsay na kinukunan niya ang aktres na may hawak na kapirasong lechon.
Inggit na inggit daw sila sa katawan nito na parang hindi nanganak.
Puring-puri nilang mabilis na bumalik ang dating katawan pagkatapos nitong mabuntis.
Hindi pa rin nagbigay si Derek ng ilang detalye tungkol sa kanilang baby girl. Pero madalas silang nagpo-post ng mga moment nila sa kanilang baby.
Ang latest na nasilip namin sa IG story ni Ellen ay kuha kay Derek na tulog na tulog katabi ang kanilang baby.
Nasa caption nito; “He is so tired from sleeping straight last night …@ramsayderek07 kaya mo yan.”
Nakikita namang nag-e-enjoy si Derek sa pag-aalaga sa panganay nila ni Ellen.
Matipid ang sagot niya sa text message namin, dahil ipinapanatili pa rin nito ang pribadong bahagi ng kanyang buhay na hindi isang celebrity.
End of contract ng Showtime sa GMA, walang nakakaalam
Maganda ang resulta ng 15th anniversary celebration ng It’s Showtime noong nakaraang linggo.
Noong Biyernes, October 25 na kung saan ay nag-perform ang grupo ni Vhong Navarro sa ‘Magpasikat’, nakapagtala ito ng 8.2 percent, at nangalahati ang katapat na Eat Bulaga na naka-4.1 percent.
Mataas din daw ang rating nung nakaraang Sabado na kung saan ay in-announce na ang winner ng ‘Magpasikat.’ Pero hindi pa namin nakuha ang figures.
Maganda ang feedback sa selebrasyong ito ng It’s Showtime. At sabi nga ni Vice Ganda ang dami nilang unos na nalagpasan.
Doon pa lang daw pinadapa sila ng AlDub ng Eat Bulaga, akala nila tapos na sila.
At ang pinakamatinding dagok ay nung nawalan ng prankisa na buong akala nila ay wala na talaga. Pero heto’t umabot na sila ng 15 years at lalo pang lumalakas.
Pero hindi pa rin sila tinantanan ng isyu.
Pinag-uusapan pa ring hanggang Decemeber na lang daw ito, at wala pang linaw kung may renewal.
Nagkakaroon na rin daw kasi nang pag-uusap ang GMA 7 at ang TAPE, Inc. Pero wala pang linaw ang mga kuwentong ito kung ano na ba talaga ang kapalaran ng It’s Showtime sa GMA 7.
Nung nakatsikahan namin si Ogie Alcasid sa mediacon ng Ogieoke 2 Reimagined concert niya ay wala rin daw siyang alam kung ano ang totoong kuwento tungkol dito.
“I think wala namang may alam. It’s hanging in the air. Siyempre, lahat kami…sanay na kami,” pakli ni Ogie Alcasid.
“Pero in fairness talaga sa GMA, talagang pinaglaban nila kami. Especially Ma’am Annette. Very welcoming, naramdaman namin yan nung ball.
“They wanted Showtime.
“Kasi kung hindi naman nila gusto yung Showtime, wala kami dun,” sabi pa ng singer/songwriter.
Sa tingin daw niya nasa tamang timing lang talaga ang pagpasok ng It’s Showtime sa GMA 7.
“I think ang ganda nung preparation, we started at GTV. So, nakaramdam kami ng ligaw-ligawan…we understood each other’s relationship and parameters.
“So, yung paglipat sa pagiging main lunchtime show ng GMA, sobrang imposibleng mangyari, pero nangyari because of the stage by stage events that could not have been forced or orchestrated.
“I think God handled it so well. I’m just blessed that I’m part of that history, and hopefully, we can do it longer. Otherwise, life goes on,” sabi pa ni Ogie Alcasid.