Ina, ‘play hard to get’ ang payo sa dalagang anak

Erika at Ina Raymundo

Dalawampu’t tatlong taong gulang na ngayon ang panganay na anak nina Ina Raymundo at Brian Poturnak na si Erika. Binibigyan ng aktres ng payo sa mga manliligaw. “‘Play hard to get. ‘Wag mong ipakita sa kanila na dead na dead ka. Alam na nila ‘yon. Kinukwento ko ‘yung ginawa ko sa daddy nila. So hindi ako hypocrite. Kumbaga alam nila na ‘yon talaga ‘yung style ko na you have to play hard to get,” kwento ni Ina sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Si Jakob lamang ang nag-iisang lalaking sa limang anak nina Ina at Brian. Ayon sa aktres ay nagkaroon umano ng negatibong pananaw si Erika tungkol sa mga kalalakihan. “According to my eldest Erika, men are ‘bleep!’ So negative, it’s definitely a negative connotation. Kasi ang social media, exposed itong guys na kahit hindi naman kaguwapuhan, may kaunting talent lang or marunong lang sumayaw, meron nang mga babaeng humahabol. So, for her, it’s so hard to find that decent man nowadays,” paliwanag niya.

Mahigit 20 taon nang kasal sina Ina at Brian. Sa mahigit dalawang dekadang relasyon ay napatunayan ng aktres na natagpuan niya ang kanyang tunay na pag-ibig. “We’ve been married for 22 years. We’ve been together for 24 years so that’s literally half of my life. I’m so blessed na I have found him. Because of him meron pa ring positive connotation ‘yung men. That’s why I always tell Eika, men are still, you know… I still love men. I mean, you cannot hate them. Kasi meron pa rin siya riyan para sa ‘yo na talagang laan ni God for you,” makahulugang pagbabahagi ng aktres.

TJ, may pre-valentine concert sa Araneta

Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ni TJ Monterde ang kanyang pre-Valentine concert na gaganapin sa Araneta Coliseum. Halos hindi makapaniwala ang asawa ni KZ Tandingan na mangyayari ang isang malaking concert sa kanyang music career. “My gosh! This is my first Araneta concert talaga, biggest concert. February 1 we’re doing ‘Sarili Nating Mundo at the Big Dome.’ Tayo nang lahat ito,” nakangiting pahayag ni TJ sa ABS-CBN News.

Ayon kay TJ ay tiyak na kikiligin sa kanyang mga kanta ang lahat ng mga manonood sa naturang pre-Valentine concert. “Sisiguraduhin natin na ‘yon ang mararamdaman nila sa concert na ‘yon. I’ll make sure na meron kayong maririnig na bagong kanta sa gabing ‘yon,” giit ng singer-songwriter. (Reports from JCC)

Show comments