Tickets sa request... nina Lea at Dolly, pamigay na ang presyo!

Totoo bang kahit sabihin pang rave reviews ang nakuha ng Request sa Radyo ay hindi pa rin ito masyadong kumita - dahil sobrang namahalan ang mga taga-Maynila sa mata-mata acting vehicle nina Lea Salonga at Dolly de Leon?

Pero kahit sa mamahalin nang tickets, mas mabili pa rin daw ‘yung kay Lea kaysa kay Dolly na either ipinamigay na lang sa super discounted rate o talaga passed off as complis na, in fairness very generous ang producers ha!

Ibang kaso sa parating na concert naman ni Lea Salonga sa Solaire na nagbukas pa ng isang extra day. Willing talaga ang mga altang fans niya na gumagastos basta marinig lang siyang kumanta!

What do you expect ‘di ba, but the best music from Lea?

Atasha, pinasasali sa Miss Universe

Grabe ang reaksyon ng mga tao sa performance ni Atasha Muhlach sa concert ni Arthur Nery sa Araneta Coliseum noong Sabado, at sobrang proud ang mga magulang niya rito.

Pagkatapos, nanalo pa si Atasha sa Star Awards for Music - kaya nakakatuwa na gumagawa ng kakaibang kahusayan ang anak nina Aga at Charlene sa ibang larangan naman ng ating industriya.

Pero teka, marami ring nagsasabi na - sa mga may potensyal na mag-represent sa atin sa Miss Universe o sa iba pang international beauty pageants ay tunay na may ibubuga si Atasha.

Ang tanong, papayagan kaya siya ng kanyang beauty queen mom na si Charlene kung sakali man?

At gugustuhin kaya ni Atasha mismo ito para sa kanya - at hindi malayong ikumpara siya sa nanay niyang Bb. Pilipinas crown holder din? We’ll see!

Vice, tuloy ang ayuda sa Angat..., Angel nami-miss

Nakakatuwa ang patuloy na pagtulong at pagtitiwala ng top celebrities natin like Vice Ganda sa ‘di matatawarang pagkilos ng Angat Buhay Foundation ni Former VP Leni Robredo.

Patuloy pa ring nagtatanong ang mga tao, nasaan ang ilang lider na ‘di mo man lang marinig ang pangalan ngayong may pagsubok na pinagdaraanan ang ating bayan?

Nasaan ang mga nagnanais kumandidato sa darating na eleksyon, bakit marami sa kanila ay nananahimik?

Dahil ba hindi sila makaporma at makapagpapogi - o masyado pang maaga kung kampanya ang iniisip nila?

Buti pa talaga ang iba nating mga artista, kahit walang katungkulan sa pamahalaan o sa walang ambisyong mamulitika, ay nandyan patuloy na kumikilos para tumulong sa ating apektadong mga kababayan.

Ang saya rin lang na makabalitang active talaga sa pagtulong pa rin - at parang second nature na ni Angel Locsin ang ganitong gawain, di ba?

Nakaka-miss si Angel, ‘di ba?

Ibang member ng banda nila Shagab, ‘di nagkaroon ng visa

Nagsimula na ang Dear Heart sa Harrah’s Resort sa LA at ang sabi ng mga nakapanood doon, natuwa sila sa concert at ang sabi nga ng isa, “I loved it! She was in great voice, and he wasn’t really. I got entertained.”

Ang tanong, totoo bang hindi lumabas ang visa ng ilang band members at kasama sa concert team?

Anyare? Bakit parang magiging concern na sa grupong ito ang pagkahuli o hindi paglabas ng visa - katulad din ng nangyari noon sa concert ni Regine Velasquez sa U.S.? Why oh why kaya?

Nakakataquote:

“How weak these men in the Senate.” - Bituin Escalante, on the Senate Investigation na panauhin si dating President Rodrigo Duterte

Show comments