Julia body goals ang ibinida!

Makikita ang comment ni Dennis Padilla na red heart emoji  sa post ni Julia Barretto tungkol sa Viva Films entry sa 2024 MMFF entry na  Hold Me Close. In fairness kay Dennis, tuwing may project si Julia, lagi siyang tumutulong sa promo in his own style, kahit pagpo-post ng emoji o pagko-comment.

Mababasa naman ang comment ng mom ni Julia na si Marjorie Barretto na “Congratulations Jul and Carlo. I’m so happy for you.”

Ang tinukoy ni Marjorie na si Carlo ay si Carlo Aquino na lea­d­ing man ni Julia sa pelikula ni director Jason Paul Laxamana.

Happy ang mga fans ni Julia na may bago siyang pelikula at sa Metro Manila Film Festival pa ang showing. Nangako sila ng suporta sa aktres para raw maging box-office hit ito gaya ng Un/Happy For You movie nila ni Joshua Garcia na talagang tumabo sa takilya.

Body goals naman ang bagong post ni Julia para sa kanyang ini-endorse na brand ng damit. Super sexy ng jowa ni Gerald, kaya talagang jackpot daw talaga ang aktor.

Gerald, tuloy rin pangangalap ng donasyon

Nanawagan ng donations sa kanyang fans at sa mga tutulong si Gerald Anderson na idinaan niya sa Instagram. Sunud-sunod ang panawagan ni Gerald para sa mga nasalanta sa Batangas. Kahapon nila dinala ng kanyang mga kaibigan ang nakalap na donasyon.

Nakasulat ang mga kailangan ng mga taga-Batangas at hindi nakalimutan ni Gerald na ihingi rin ng donasyon ang mga bata. Sa latest post ni Gerald, nanghingi na rin siya ng gamot, gaya ng paracetamol, Amoxicillin, Mefenamin Acid, at Cetirizine. Malamang, kahit nakapagdala na ng tulong si Gerald sa Batangas, tuloy pa rin ang pangangalap niya ng donasyon para sa ibang lugar na nasalanta ng bagyong Kristine.

Sharon, nalungkot na tumaba ulit

Nakakatuwa si Sharon Cuneta, nag-sorry sa designer ng gown niyang si Jot Losa dahil nagmukha raw siyang mataba sa suot na gown sa first show nila ni Gabby Concepcion sa Southern California. Nag-post si Sharon ng mga photos nila ni Gabby at mukha nga siyang mataba.

Sabi ni Sharon, “Naku di ko nabigyan ng justice ang damit na ito- bakit napakataba ko suot nito tonight nung fitting hindi!!! Sorry @jotlosa Nanay’s fault! Pero di ako tumabaaaa!!!” at nag-joke pa ng “Do you want to build a snowman...? No just build one!”

Pero, para sa mga fans ni Sharon, hindi siya mataba, voluptuous lang daw si Mega at nagbiro rin ang netizen na hindi maalis ang titig ni Gabby sa kanya. Dagdag pa ng isa, fat or thin, maganda pa rin si Sharon.

May post din si Gabby ng picture nila ni Sharon and Sharon wearing the same gown na sinabi ni Sharon na nagmukha siyang mataba. Ang cute naman ni Gabby sa sagot sa fan na pinayuhan siyang matulog na dahil may show pa sila the next morning.

Sagot ni Gabby, “Hindi makatulog ... dahil sa ganda ng concert.” Biniro uli siya na baka hindi dahil sa ganda ng concert kundi dahil sa ganda ng kanyang kasama sa show. Sila nga raw fans, natulala na mapanood silang dalawa at matagal pa silang matutulala dahil marami pang shows sina Sharon at Gabby.

Show comments